PROLOGUE

8 0 0
                                    

Miho Morimoto's POV

"Miho" tawag sakin ng presidente ng klase namin na si Wataru.

"Bakit?"

"May short film kasi tayo na kailangan gawin by group"

"Tapos?" tumaas ang kabilang kilay ko. Mukhang alam ko na ang mangyayari. "Ako ba ang director?, Eh hindi naman ako marunong magdirect"

"Ikaw ang bida, kayo ni Akaashi"

"Marunong umarte si Akaashi?"

"Siguro, Tatlo lang kasi kaming lalaki sa grupo at isa pa madami kasi akong hinahandle na gawain kaya siya ang naisip namin na maging leading man"

"Pumayag siya?" kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang pagkurba ng labi ko.

"Oo para may ambag daw siya"

"Buti naman"

"Bukas natin pag usapan ang tungkol doon" tumango ako bilang sagot sakanya. Napagusapan naman namin kinabukasan ang gagawin at napagisipan na magpractice ng kaonti para masanay kami sa mga gagawin namin.

"I loved you" linya ni Akaashi.

"Akaashi ayusin mo ang pag arte mo" reklamo ni Eri.

"Sorry, hindi naman kasi ako magaartista" sambit ni Akaashi.

"Oh sige tuloy" muling pinagmasdan ni Eri ang kilos at linya namin.

"Hindi na ba talaga pwedeng ibalik?" malungkot kong sambit.

"Hindi na" nalungkot nalang ako bigla. Damang dama ko itong pag aarte namin ni Akaashi.

"Okay ganito ang scene, hindi naman talaga kayo magkikiss pero magmumukhang naghahalikan kayo. Kami na bahala sa pag anggulo ng camera" pinahawak ako ni Eri sa may necktie ni Akaashi. Nakaramdam tuloy ako ng kaba sa mga sandaling ito. Paano kapag hindi ako nakapagtiis tapos nahalikan ko talaga siya?.

"Lapit pa" tinulak ako ng kaonti ni Fumiko. Nanginginig na ang kamay ko dahil sobrang lapit na naming dalawa.

"Kailangan ba talagang ganito?" tanong ni Akaashi. "Hindi siya kumportable"

"Nahihiya lang yan sayo" ani Fumiko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ipagsigawan mo pa na nahihiya ako kay Akaashi.

Hindi ako makatingin kay Akaashi, pakiramdam ko kasi sobrang pula na ng mukha ko.

"Game na ba? Ang init na kasi" reklamo ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.

"Akaashi ayusin mo nga buhok ni Miho" inayos naman ni Akaashi ang buhok ko. Nang matapos niyang ayusin iyon ay nakita ko ang paghampas ni Fumiko kay Eri dahil sa kilig. Alam niya kasing gusto ko si Akaashi, nahalata niya noon pa.

"Ganda ko na?" biro ko para mawala ang kaba ko.

"Pwede na" sagot niya at nag iwas na ng tingin.

"Anong pwede na, ganda ko kaya"

Natapos naman na ang practice namin at sa susunod na linggo daw ang simula ng shooting.

"Good Afternoon pwede po kay Akaashi?" sambit ko sa manager nila na nasa may pinto ng gym.

"Girlfriend ka ni Akaashi?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Hindi po, classmate lang. May iaabot lang kasi ako" pagtanggi ko.

"Ah sige tawagin ko"

"Salamat" ngumiti ako. Tinawag na nung manager nila si Akaashi kaya heto na siya at papalapit sa akin.

"Akaashi script mo" sabay abot ko sakanya ng papel. "Nalimutan mo kasi sa desk mo, baka liparin at mawala kaya kinuha ko"

"Salamat Morimoto" ano ba to, ayaw akong tawagin sa first name ko.

"Sige una na ako"

"HEY HEY HEY! AKAASHI! Girlfriend mo?" tanong ni Bokuto na ikinabigla ko. Idol ko to eh!.

"Hindi"

"Sus, Bokuto Kotaro nga pala" sabay lahad niya ng kamay niya.

"Morimoto Miho" ngumiti ako at nakipagkamayan. "Nice meeting you po, mauuna na ako"

Pagkatalikod ko ay abot langit ang ngiti ko. Yung idol ko atyaka yung crush ko, magkasama. Ang swerte ko naman.

Love me back | Akaashi KeijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon