Miho Morimoto's POV
Ilang araw na kaming nagshoshoot dahil nung unang araw kasi ang awkward namin ni Akaashi pero ngayon nasanay na kami sa pag arte sa harapan ng iba kaya mukhang maganda naman ang kakalabasan.
Hinatak ko na ang necktie niya at inilapit pa ang mukha ko sakanya. Dama ko ang pagkapula ng mukha ko pero bahala na, shooting to ano ba Miho.
"Lapit pa!" sigaw ni Eri kaya napatingin ako sakanya at lumapit pa ng kaonti kay Akaashi.
"Usog pa" sinunod ko naman ang kamay ni Fumiko.
"Hindi ba masyadong malapit?" tanong ko dahil ramdam ko ang paghinga ni Akaashi sa may pisnge ko. Hindi tuloy ako makaharap dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Ayos na yan, humarap ka na kay Akaashi" utos ni Fumiko. Pinandilatan ko ng mata si Fumiko.
"Dalian mo na, nangangalay na ako" ani Akaashi. Tumindig ang balahibo ko dahil doon.
Dahan dahan akong humarap sakanya habang nakatikom ang labi ko. Sobrang lapit namin!.
"Recess na!" sigaw ng isa naming kaklase na kakalabas lang ng classroom at maligayang tumatakbo. Nasanggi niya tuloy si Akaashi! Ayan tuloy nahalikan ako sa labi. Damang dama ko ang pagdampi ng labi ni Akaashi sa labi ko. Napahawak pa nga ang isang kamay niya sa bewang ko. Agad niya naman tinanggal ang pagkakahawak doon ng lingonin niya ang nakabunggo sakanya.
"Hala sorry" paumanhin ng kaklase namin bago tumakbo paalis sa corridor.
"Sayang hindi nakunan" sambit ni Eri.
"Oo nga eh, realistic sana" pag sang ayon ni Fumiko.
"Tama na, bukas nalang ulit" sambit ko at binitawan ang neck tie ni Akaashi.
"Sorry" ani Akaashi at bakas sa mukha ang pag kahiya.
"Last naman na yan Miho"
"Oo nga, para bukas pag eedit nalang ang problemahin"
Wala naman kaming nagawa kundi ulitin ang scene na iyon pero hindi niya naman na ako mahahalikan dahil wala naman ng sagabal na tao.
Napaiwas tuloy ako ng tingin nang maglapit ulit ang mukha namin. Damang dama ko ang pagtitig niya sa akin.
"Akaashi, wag kang tumingin sa labi ni Miho para hindi magmukhang ikaw ang humalik. Dapat medyo gulat ang mukha mo sabay ilayo mo siya sayo" sambit ni Eri.
Ginawa na namin ang sinabi ni Eri. Pagkatapos nun ay hiyang hiya ako kay Akaashi. Ayoko na ipakita ang mukha ko.
Lumipas naman ang ilang araw at mukhang nabaon na sa limot ang insidente na iyon.
P.e class namin kaya naman bumalik na ako sa classroom nang matapos na akong magpalit ng damit. Nakapila na sila kaya naman pinagmasdan ko ang mga mukha ng kaklase kong lalaki nang matagpuan ko na kung nasaan nakapwesto si Akaashi ay doon ako pumunta. Malamang nasa likuran siya, sa tangkad ba naman niya.
"By height Miho" reklamo ni Ezume.
"Tumangkad na ako" depensa ko.
"Hindi kaya, dun ka sa gitna" sambit nito kaya padabog akong pumunta sa gitna ng pila.
Nagsimula na ang klase at volleyball ang laro nila ngayon. Napagusapan na ang magiging magkakateam. Kada isang team ay may anim na miyembro na kung saan tatlo ay babae at tatlo din ang lalaki.
"Akaashi sayo ako" sambit ko habang nakangiti at papalapit sakanya. Sayong sayo na ako.
"Ang duga naman, eh kasama si Akaashi sa volleyball team ng school"
"Bakit si Nami din naman ah" reklamo ko sa kabilang grupo na nagrereklamo sa kagrupo ko. "Patas lang, sadyang bulok ka lang"
"Hayaan mo na yan" ani Akaashi at hinatak ako papunta sa iba pa naming kagrupo.
Nag ensayo na kami para kahit papaano ay may laban kami at hindi mapagod si Akaashi sa pagbuhat sa grupo.
"Sino sainyo ang naglalaro ng volleyball?" tanong ni Akaashi. Nagtaasan sila ng kamay maliban sakin.
"Sorry, hindi ako marunong. Bantayan niyo nalang ako ha" sabay siko ko kay Akaashi.
"Ayos lang, laro laro lang naman to" sabi niya upang kumalma ang mga kagrupo ko.
"Anong laro laro?, Dudurugin natin sila" pagyayabang ko.
"Hindi ka nga marunong, paano mo sila madudurog?" mahinahon na sambit niya.
"Wala kang tiwala sakin?" tinuro ko pa ang sarili ko. "Akaashi grabe, hindi ko yan inasahan sayo ah" sabay punas ko kunyari sa mata ko na akala mo ay may tumutulo na luha. "Wooo grabe"
"Grabe Akaashi ganyan ka na ba" pagpaparinig ni Fumiko at niyakap ako.
"Oo nga eh, ang hina ko sa mata niya. Ganyan ba kapag varsity ng volleyball" nagkunyari pa akong umiiyak dahil sa tono ng boses ko.
Nagsimula naman na ang labanan at nanalo kami sa unang set. Sa pangalawang set naman ay nanalo sila Nami. Sus, chamba lang naman. Isa pa, kaya ko din naman yun. Namangha na sila dun? Eh umalog lang naman ang dibdib ni Nami pagkahampas niya ng bola. Hay nako, napatingin tuloy ako sa p.e shirt ko. Sabi ko nga, lamang yung kanya.
"Kaya ko din naman yun" napairap ako. "Akaashi! Ipasa mo naman sakin"
"Akala ko ba hindi ka marunong?" tanong niya sakin.
"Marunong na ako" pagyayabang ko at tinalikuran na siya.
"Sige"
Madami naman akong ginawa para sa kagrupo ko, chineer ko naman sila kahit na nakatayo lang ako doon at panay iwas sa bola. Miski nung nagtoss si Akaashi ng bola papunta sa akin ay umilag ako. Nakakatakot kaya pero kahit na ganun, masaya naman dahil nanalo kami. Ano ka ngayon Nami! daig kita sa volleyball.
BINABASA MO ANG
Love me back | Akaashi Keiji
FanfictionWhat if I told you that I love you? Would you tell me that you love me back?