Ang panimula ng imahinasyon

40 7 19
                                    

Ako si Cassianna Fortunedela ang babaeng may kakaibang abilidad at sariling imahinasyon.

Maari nasasabi na ako ay nawawala na sa aking sarili ngunit sa katayuan ko ay talagang ika'y mapapaisip.

Mus-mos pa lamang ng mawala ang aking magulang, walang atensyon ang pumukaw sa akin kundi ang imahinasyong bumalot at nagbibigay ilaw sa aking mga nakaraan.

Napanatili ang aking kaayusan ng dahil sa aking pinakamamahal na Lola, nag pursige siyang maipasok ako sa kolehiyo upang makakuha ng trabahong marangal.

Lumang-luma na ako sa aking sarili sapagkat masyado nang nilalamon ang atensyon ko sa bagay-bagay kung saan hindi naman ito tuwirang totoo.

Tila wala akong pokus sa akademyang pinasukan ko ngunit nabigyang tanaw parin ang matataas kong grado, sa kabilang dako naman ng aking kasiyahan sa pag tung-tong ng kolehiyo nanduon parin ang sakit ng walang magulang na gumagabay.

Ni walang linggo ang nakakalipas, walang buwan ang lulubog kung hindi parin ako nag tatanong kay Lola kung ano ba ang nangyare sa magulang ko.

Ngunit ang tanging pananaw nito ay ang pagpapanatili ng edukasyon sa aking isip, marahil mali bang malaman ko ang simula ng yugto ng aking buhay?.

Kung sa ganoon bat nga ba nabuo ang pangalan kong kakaiba at mistulang binubuo ng malalalim na salita.

Pero bat ganoon ngayon lang nasagot ang katanungan ko, katanungang bumabagabag sa aking sarili ngunit bakit ang sumagot nito ay isang simpleng nakakakilabot na panaginip.

Siguro may malalang pangyayari ang nangyari sa aking magulang, dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang panaginip na minsang masilayan ko sila,bakit nga ba nag kakaganoon ang panaginip ko.

At walang humpay parin ang imahinasyon na mismong nag bibigay tunay sa pangyayari ngayon, ngunit bat parang ako ang dahilan?.

Sabagay sabi nga ng aking Lola ang pangalan ko ay inihambing at pinagsalin-salin sa isang tribo kung saan ang ginto at pilak ay namamahay sa kanilang mga balat, hindi ba dapat akong mag karoon ng pananaw at pag tataka sa aking ngalan?

Ni minsang nga dahil sa aking pagpapantsya ay pumukaw ang nakakakilabot na panaginip na mistulang isa rin ako sa kasapi ng isang makalumang tribo.

Hindi parin ako magtataka kung ang nangyayari sa akin ay may malalalim na kahulugan.

Lagi kong napapanaginipan ang isang babaeng kinaiibigan at kamahal-mahal ng kalalakihan ngunit malayo ang kanyang kaisipan tungkol sa pagmamahal.

Katakot-takot ring isipin na ako ang babaeng iyon ni mag ayos nga ng sarili hindi ko magawa pero bakit namang hindi ako yon, pwede namang mangarap na maging isang kagandang-gandang binibini.

Isa rin sa kinakatakot ko sa aking imahinasyon ay ang lalaking nanakop sa lupaing hinirang ng mga ginintuang tribo, manlalakay na humablot sa kinagigiliwang babae at mismong humaligi sa mga bansa ng timog-silangang asya.

Hindi ba nakakakilabot ang pangyayari na iyon dahil malaki ang konektado nito sa historya ng ating bansa?, malaki ba ang posibilidad namuhay na ako nuon paman o siguro masyado lamang akong nag aasam sa mga panaginip ko.

Isa rin sa panaginip ko ay ang daan kung saan makikita ang katunayan sa lahat ng pangyayari kung tutuusin namamalagi sa akin ang mithiing makapunta duon upang mahanap ang katunayan kung ano ang nangyari sa aking mga magulang.

Marahil bata pa man ako ay inaasam na ang pagkakaroon ng wastong pamilya ngunit ako nalang ata ang pinaka una at huling anak ng aking ama at ina, kaya siguro wala akong pagkakataong makisalamuha at makipag kaibigan sa aking mga kaidad.

🍁Chasing the death Route🍁Where stories live. Discover now