Beginning

15 3 1
                                    

Beginning

Rythm

"Sali na po kayo sa Library readers' club!"

Melody

"Goodmorning! Art club!"

Tahimik akong naglalakad sa hallway na malapit lang sa field ng eskwelahan.

Noise.

Nababalutan ng ingay ang buong field ng Yume High School. Makes sense dahil nagaganap ang Club fair ngayon.

Makukulay at magarbo na stalls, mga estudyanteng panay ang bigayan ng flyers, at meron pang iba na nag e-effort na sumigaw para lang ipromote ang kanilang club.

It's an opportunity for them to recruit new members.

"Theater club mga dudesss! Theater club!"

Oportunidad rin ito para sa mga estudyante na may iba pang interests na bumubukod sa academics. Bukas ang mga estudyante na sumali sa kahit ano mang club kanilang ninanais.

Kahit ano?

Well, I can't say for sure.

"Dude Theater club! sakto kailangan namin ng pangit, siguradong papasa ka!" wika ng isang lalake habang inabutan ako ng isa sa mga flyer na hawak niya.

Pangit? What the hell? Mas gwapo pa nga siguro pwet ko kesa sa pagmumukha niya. Tiningnan ko siya ng masama, mukhang natakot naman siya.

Kinuha ko na lang ang flyer at nagpatuloy sa paglalakad.

Colorful stalls, a vast variety of clubs to join, but something is missing. Tumigil ako sa paglalakad ng naabot ko ang dulo ng hallway, ang bulletin board.

Tumigil ang mata ko sa flyer na matatagpuan mong nakadikit sa bandang ibaba. Hindi mo ito makikita kaagad, it's almost hidden.

"Rythm, Melody, Harmony"

"Do you have the guts to be a member of the music club?"

Yan ang nakalagay sa bandang itaas ng flyer. Hindi lang man sila nag effort na gawing interesting ang club description. May kasama itong picture na may iba't ibang instrument sa gitna, nakalagay rin sa pinakababa ang pangalan ng club adviser, other than that, there was nothing else.

The only club with no stall. It was just a plain flyer with a text and a picture on it, at yung picture? wala na ngang kulay, hindi pa talaga klaro.

Just like a song without melody.

Nakaka walang gana.

A figure came into my peripheral vision, tumabi ito sakin at kagaya ko, deretso niyang tiningnan ang walang buhay na flyer ng music club.

Tch. Nanatili ang tingin ko sa flyer, hindi ko na siya kailangang lingunin dahil kilalang kilala ko na 'tong walang kuwentang lalake na'to.

"Alam ko kung anong nasa isip mo ngayon. well hindi sa pagmamayabang pero ginagamit ko kase utak ko, Acosta, sana gamitin mo rin yung sayo. at isa pa hindi bagay ang club na yan para sa mga tulad mong basagulero"

Lumingon ako sa kaniya at tiningnan siya ng masama, nanatili ang kaniyang tingin sa harap.

Pake niya? hindi ko naman tinanong kung ginagamit niya ba utak niya o hinde, kung iuntog ko kaya yung ulo niya? Isa pa, walang kinalaman ang pagiging basagulero ko dito. Wala.

"Kumpara naman sayo, wala ka namang kuwenta"

"Pagiging praktikal ang tawag 'don, Acosta. Wag mo akong ikumpara sa taong nangangarap ng imposible" Lumingon siya sakin at ngumiti.

Biglang kumulo ang dugo ko. hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa kuwelyo niya, kunot-noo ko siyang tinginan.

May ilang napatigil sa paglalakad at napalingon sa puwesto namin. Nagsimula na rin silang magbulungan.

"Si Raxiel yan diba?"

"Acosta? Yung dating nag...?"

"Shh! baka marinig ka!"

"Nakakatakot pati teacher kinakalaban niya"

nagbubulungan o nagpaparinig? Umangat naman ang labi nitong walang kuwentang nilalang na hawak ko

"Ituloy mo kung gusto mong maging viral sensation ulit, Acosta"

Umigting ang panga ko. Galit ko siyang binitawan. Marahan niyang inayos ang kaniyang kuwelyo. Nanatili ang tingin ko sa mga mata niya. Kumonti na rin ang mga taong nanonood.

"bigyan lang kita ng advice, wag kang magsayang ng oras sa wala, Raxiel" aniya bago ako tuluyang tinalikuran.

Kumuyom ang kamao ko, bago pa siya nakalayo, muli akong nagsalita. "Kahit anong gagawin mo hindi mo ako mapipigilan. Kung sa tingin mo susuko ako ng ganung kadali, nagkakamali ka. Kakainin mo ang lahat ng sinabi mo sa huli, ipapakita ko sayo na kahit kailan hindi ako nagsayang ng oras, kahit isang segundo, sir Mendoza"

Tumawa sya ng mahina "Good Luck" at tuluyan ng umalis.

Nakalimutan kong hawak ko pa pala ang flyer ng theater club, dahil siguro sa galit hindi ko namalayang nagusot ko ito. Tinapon ko na lang ito sa malapit na basurahan.

Kahit kailan, hindi magiging walang kuwenta ang ninanais ko. I will prove that bastard wrong.

"Rythm, Melody, Harmony"

"Do you have the guts to be a member of the music club?"

Club adviser: Mr. Jim Mendoza

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Harmonized HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon