Chapter One: Secret Touch

6.8K 69 8
                                    

"Those sweet lips. My, oh my, I could kiss those lips all night long.

Good things come to those who wait."

― Jess C. Scott, The Intern

Chapter One: Secret Touch

(One Month Ago)

      "Cheska, dalian mo naman. Kanina pa naghihintay sa iyo yung pinsan mo!" Sabi kay Cheska ng Mamita Conchita niya. Inisang lagok niya ang may kainitan na tsokolate. Hindi niya mapigilan ang sarili at mapangiwi sa init napaso ata ang dila niya.

      "Opo. Sandali lang po!" Aniya at kumuha ng toasted bread. Kinagat niya iyun habang abala ang mga kamay na iligpit ang mga drawing materials sa backpack. Pinasok rin niya sa bag ang malaking algebra book. Arghh! Lalo tuloy bumigat yung bag niya. Kung bakit ba naman kasi may algebra subject sa kursong Fine Arts. Napailing na lang siya habang ninguya yung tinapay.

       "Cheska!"

      Bago pa pumasok ang dragon sa kusina ay kinuha na niya ang backpack at lumabas na siya mula roon. Nakasalubong naman ni Cheska ang dragon este si Mamita Conchita sa hallway, nakabusangot at nakapameywang ito sa kanya.

       "Ba't ba ang tagal tagal mo?"

       "Kumakain pa po ako." Sabi niya sabay ubos ng natirang toasted bread.

       "O sya lumabas ka na at kanina pa naghihintay si Candice sa labas. " Tumango siya at tinungo ang labas. Nadatnan niya ang pinsan kasama ang magulang nito sa may car garage. Nakangiting nakayakap si Candice sa mga magulang nito. Nasa likuran siya ng mga ito kaya hindi siya napansin.

       Napatingin siya kumpletong pamilya nasa harapan niya. Masaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa. A wave of jealousy hit her hard. Seeing a perfect happy family made her chest hurt so bad that she couldn't breathe. Iyun lang kasi ang wala siya sa mundong ito- ang masayang pamilya yung matatawag na kanya. Yung may mag-alala sa kanya pag umuwi ng matagal. Yung tuwing magkakasakit siya ay may mag alalaga sa kanya. Tears filled Cheska's eyes, and she wiped hastily at them with the back of her hand.

      At the age of eighth her parents were annulled. After their separation ay sa kanyang Ina siya tumira. Her Mom, Rosalinda Arturi is a former Italian beauty queen. At the young age of 22 ay na buntis ang kanyang Ina sa kanya kaya gumuho ang pangarap nito na ipagpatuloy ang pagiging beauty queen. Her dad, Alfonso Villegas ay isang milyonaryong haciendero dito sa Pilipinas pinagutan nito ang kanyang Ina at pinakasalan ngunit hindi ito tumigil sa pambabae.
       

       When she turned 10 years old ay namatay ang kanyang Ina sa isang car accident kaya napunta ang full custody sa kanyang ama. Living with her dad is like a hell. Naging mabuting ama naman ito, pinag aral siya sa maganda at mahal na paaralan tas binibigay ang lahat ng gusto niya but- he went home with many mistresses every night!  Halos taon taon itong nagkakaroon ng bagong asawa na ang turing sa kanya ay isang malaking sagabal. They look at her as a threat to her father fortunes. Naging mala ala Cinderella ang buhay sa loob ng apat na taon kaya ng maging labing apat na taon siya ay kinuha siya ng kanyang Mamita Conchita, Ina ng kanyang ama. Dinala siya na matanda sa bahay ng mga Hidalgo, pamilya ni Candice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon