CHAPTER SEVEN

50 4 0
                                    

Warning: It contains some inappropriate word and just suitable for the adults. I’m sorry for the words that I’ve used. I still hope you like :) . Enjoy Reading!!

SECONDS, minutes, hours, months pass and I’m now in second year college! Sobrang bilis ng panahon, parang kelan lang lumipat ako sa apartment ko, bumili ng gamit sa national bookstore with my family, nakilala si Rhys—teka lang asan na nga ba ang lalaking yun?

Nilibot ko ang tingin ko dito sa national bookstore, at ayun nakaluhod sya sa isang section at nagtitingin ng isang libro. So yun na nga, ang dami ng nangyari. Noong New Year magdamag ata kaming nag-usap ni Rhys, tapos noong bakasyon naman minsan lang din kami nakakapag usap na dahil nagpunta syang America para mag-aral ng business nila, medyo namiss ko nga sya noon kaya ang ginawa ko na lang-

“Bella come here!” napairap ako ng tawagin nya ako

Kaya ang ginawa ko na lang eh tinititigan ko na lang ang suns—

“yuhooo bella!!” tawag nya ulit, uggghhh!! Ang kulit!

So yun nga pinanood ko na lang ang sunset kasi mas naalala ko sya kapag ganun, nagkaroon na tuloy ng meaning ang pagtingin ko sa sunset noon naman eh kapag tumitingin ako dun naa-appreciate ko lang ang  beauty nun pero dahil kay Rhys nagka meaning yun, ang corny ata nung sinabi ko hahaha! Makukurot ako nito ni nanay sa singit eh! Ang lande-

“Hoy ano ba! Kanina pa kitang tinatawag! Ano bang iniisip mo?!” nabitawan ko pa ang librong hawak ko ng biglang lumapit sakin si Rhys at sa sobrang lakas ng boses nya eh narindi ako!

“Ang ingay-ingay mo Rhys alam mo yun? Napapatingin satin yung ibang tao eh! Baka ma issue tayong ang mga taga La Salle maiingay!” saway ko sa kanya, namamangha syang tumingin sakin

“Wow! As in WOW Miaryne Orebella Tabia! Kanina pa kitang tinatawagan pero ikaw naman kung makatingin dyan sa librong hawak mo at makangiti ng todo eh akala mo may gwapo dyan sa cover! Eh human anatomy yan oh! Hoy Bella ha! Kinakabahan na ako dyan! Baka mamaya pakasalan mo na iyang librong human anatomy mo” kung kaya kong umirap ng 360 degree sa sobrang inis ay ginawa ko na!

“Ano ba? Ang ingay mo Timothy Rhysdave Silva! Ano bang kailangan mo?” naiinis syang tumingin sakin

“Hindi palibhasa dinatnan ka ngayon eh sisigawan mo na ako! Nagseselos na ako dyan sa mga libro mo ha! Akala ko ba relationship goals tayo?” jusko heto na naman po ang SILVA na ito!

“Alam mo Rhys hindi ka nakakatulong, mainit na nga ulo ko mas paiinitan mo pa!” ngumuso sya ng sobrang bongga at masamang tumingin sa puson ko, agad ko naman hinampas ang balikat nya

“Ano ba?!” saway ko, nakakahiya na sa mga tao dito ang ingay ingay niya!

Paka-usap nga dyan sa matris mo!” napatigil lahat ng tao dito sa sinabi nya kahit ako ay natigilan nanlalaki ang mata kong tiningnan sya

“What the Rhys?!” gulat na sabi ko

“Sasabihin ko lang na kung pwede tumigil na sya kahit siyam na buwan lang!” parang gusto kong sumabog na lang bigla sa sinabi nya! What the heck?! Nakita kong ang ibang lalaki ay napatawa pati na rin ang mga babae, ang iba namang medyo matanda na eh napatikhim para pigilan ang tawa at ang matatanda eh napangiwi, hindi nagustuhan ang sinabi ng gagong katabi ko

Sunset Memories: Our Eternal Love  (MemoriesSeries#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon