CHAPTER 3

134 3 1
                                    

Mayen's POV

"Kuya bakit napatawag ka?" nagtataka kong tanong dahil isang oras at kalahati pa lang mula nang umalis sila.

"Sasabihan lang kita na huwag ka ng magluto dahil magte-take out na lang kami nang pagkain," aniya.

"Talaga kuya?! Yehey! Tamang-tama tinatamad ako magluto ngayon saka nandito si Rica,"

"Sige, uuwi na rin kami maya-maya. Tumawag sakin si Mama sinumbong mo ata ako eh," biro niya.

"Hala hindi po kuya. Nagtanong lang si Mama at sinabi ko lang ang totoo," pagtatanggol ko sa sarili.

"Joke lang, sige na!" saad niya at pinatay ang tawag. Akala ko galit siya dahil baka naudlot ang gala nila ni Kuya Vincent dahil pinapauwi siya ni Mama.

Mahigpit na ipinagbilin ni Papa at Mama na pagkauwi galing trabaho ni Kuya at pagkagaling ko naman sa school ay umuwi agad. At ipinagbilin din ni Papa kay Kuya na huwag akong iiwan lalo na kapag gabi dahil matatakutin ako at babae pa.

Pero bigla akong kinabahan ngayon dahil maya-maya ay babalik na sila.

"Bakla! Pauwi na raw sila maya-maya, anong gagawin ko?" Tili kong tanong kay Rica na abala sa pag-scroll ng facebook niya.

"Para kang tanga diyan Mayen, kung makatili ka wagas," aniya.

"Eh ano nga gagawin ko? Pabalik na sila dito," tanong ko ulit. Tama siya para akong tanga. Hindi naman ako ganito dati.

"Edi maligo ka, magpaganda ka! Dali aayusan kita, bilisan mo," utos niya.

"H-Ha?! Naku sigurado magtataka si Kuya kapag nakitang nakaayos ako, hindi yun sanay na makita akong may make up," sagot ko.

"Basta! Akong bahala sayo, bilis na maligo ka na. Magsuot ka nang pambabaeng damit mo huwag yung damit nang Kuya mo," anito.

Mabilis ko naman siyang sinunod, naligo ako at nag-lotion at nagpabango pa. Ewan ko lang kong hindi pa ako mapansin ni Kuya Vincent.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong naghahalungkat ng bag niya si Rica. Kinukuha niya yung pangkolorete niya sa mukha.

"Bakla, grabe ang tapang nang pabango mo naman! Niligo mo ata ang pabango mo eh. Malala na talaga yang tama sa Vincent na yon," saad niya.

"Hindi naman ah, kaunti nga lang ang ini-spray ko eh," tanggi ko.

"Sige na upo na," utos niya. At sinimulan ayusan ang mukha ko.

"Itong suot ko ayos na ba to? Parang masyadong maiksi ata tong shorts ko baka tuktukan ako ng kapatid ko," wika ko.

"Okay na yan, para mas mapansin ka lalo. Oh ayan tapos na. Ang ganda mo naman pala kapag nakaayos ka bakla!" Sabi niya.

Maya-maya'y nakarinig kami ng tunog nang sasakyan na pumarada sa harap ng bahay.

"Bakla sila na yan!" Nae-excite kong sabi kay Rica. "Ipagpatuloy mo lang kunwari ang pag-aayos sakin tapos sabihin mo pinag-eekspirimentuhan mo lang ako." Untag ko.

"Sige," anito.

"Bumukas ang pinto at inuluwa noon ang kuya niya na may dalang isang bilao ng pansit kasunod niya naman ay si Kuya Vincent na may bitbit na supot ng isang manok.

"Oh my!" Gulat na reaction ni Rica nang makita si Kuya Vincent.

"Anong ginagawa niyo?" bungad agad ni Kuya nang mapansin kami. Ngunit nahuli ko naman ang tingin ni Kuya Vincent sakin. Titig na titig siya. Nagandahan siguro sakin. Umiwas ako ng tingin dahil siniko ako ni Rica.

TORMENTED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon