'THE MAN FROM 1892'
Nagbabasa lang ako ng aking libro ng biglang sa hindi inaasahan ay may tao akong hindi sinasadyang natabig.
Tinignan ko ang librong nalaglag mula sa pagkakahawak ko ng pupulutin ko na sana ng biglang pinulot ito ng isang ginoo.
"Pasensiya na Binibini, hindi ko sinasadya na ikaw ay matabig sa totoo lang ay naliligaw ako sa lugar na 'to dahil unang beses ko pa lang maparito"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka pormal ng kaniyang suot na tila kagalanggalang kung titignan isang maginoo at may respeto.
Nginitian ko ito at inabot ang librong hawak niya.
"Saan ka ba nanggaling ginoo?"
"Hindi ko din alam binibini" dahil sa kaniyang sinabi ay nagtaka ako. Unang beses lang siyang nandito ang akala ko na unang beses niya pa lang sa pilipinas at nag mula ito sa ibang bansa ngunit bakit tila ay wala siyang kamuwang muwang tungkol sa mga nasa paligid niya.
"Hali ka sa aking bahay at doon mamahinga ng mga ilang araw"
"Hindi maaari binibini, dahil hindi pwepwede na ang isang ginoo at isang binibini ay mag sama sa iisang bahay hanggat hindi pa ito kasal, sa totoo lang hindi ko maisip kung bakit ang suot ng mga kababaihan ay ganiyan" sabay turo sa damit ko dahil naka sando at maiksing pangibaba, galing lang naman kasi ako sa parke at nagmunimuni.
Hilig ko ang mag basa na puro tagalog lamang kaya sinasanay ko ang aking sarili, may mga salita kasi na akala ko tagalog na ngunit may mas malalim pa pala itong salita at may mas malalalim na kahulugan.
"Sa panahon ngayon Ginoo, ayos lang na mag sama ang ginoo at ang binibini sa isang tahanan dahil may mga bahay na paupa kung saan nag sasama ang lalaki at ang babae." Tinignan ko ang kaniyang reaksiyon na tila hindi pa siya kumbinsi at nag aalinlangan pa.
"Huwag ka mag alala mapagkakatiwalaan mo ako, sa sandaling maalala mo ang iyong pinanggalingan maaari kitang ihatid doon ng walang anumang kapalit" binigyan niya ako ng matamis na ngiti na halos di na makita ang kaniyang mata.
"Napakabait mo binibini, paniguradong maramig ginoo ang iniibig ka at hinaharana" nagsimula na kaming maglakad papunta sa aking bahay. May kalakihan ang aking bahay, ako at ang kasambahay ko lamang ang nakatira doon na halos tatlo lang kaming naroroon kaya masiyadong malaki ang bahay ko.
Nasaan ang magulang ko? Wala silang oras sa akin basta ang habilin nila sa akin ay magtapos ako ng pagaaral at makakuha ng nais nilang maging kurso ko na ayoko naman.
"Sa panahon ngayon wala ng harana ang nagaganap, hindi na nililigawan ang isang dalaga ng harap harapan dahil may mga teknolohiya na sa panahon ngayon at gamit ang teknolohiya ay doon nanliligaw ang mga kalalakihan at maaari din kayong mag kita muka sa muka kahit malayo kayo sa isa't isa" lumingon ako sa kaniya na tila ay sobra siyang namangha, bigla tuloy pumasok sa isip ko si Juanito Alfonso nakikita ko siya dito sa ginoong kasama ko.
Nawala ba ang alaala niya? O sadyang may kakaibang nangyayari ngayon na hindi ko matukoy ang nilalaman ng isip ko.
Bakit parang hindi niya alam na may teknolohiya?
"Binibini may nais lamang akong itanong sayo" malapit na kami sa bahay ko ng bigla kaming huminto. Humarap ako sa kaniya dahil ako ang nauunang mag lakad.
"Isang beses palamang tayo nagkikita ngunit tila ay kilala mo na ako ng lubusan, bakit mo ako papapasukin sa iyong bahay na hindi mo pa ako kilalang lubos? Hindi ba pumasok sa iyong isipan na maaari kitang pagtaksilan at nakawan?"
Napatalikod na lang ako at ngumiti ng wala sa oras.
Dahil sa sinabi mo mas binigyan mo ako ng motibo na hindi ka masamang tao.
