Chapter one
Nakikita ko na ang prince charming ko malapit na sya papunta na di ko lang masyadong maaninaw ang muka nya dahil masyadong masilaw unti unti nyang hinawakan ang kamay ko at itinaas ito yung sakto lang para mahalikan nya
"I love you" sabi nya
Unti unti nyang nilalapit ang muka nya kunti nalang
3 inches
2 inches
1 inch
1/2
Konti nalang talaga ayan na!!!
"Miss jarene"
Teka bakit naiiba ang boses nya bakit naiba bakit naging boses babae
"Miss jarene"
Sandali lang bakit nawawala yung lalaki
Sandali lang wag kang umalis gusto ko yung sabihin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko
"Miss jarene"
ayan nanaman ang boses na yan
"Miss jarene gising na po"
Unti unti kong minulat ang mata ko at bumangon sa kama
"Panaginip lang pala yun?" wala sa sarili kong tanong sa taong nasa harapan ko
"Siguro po miss tulog po kayo e."
Sinamaan ko sya ng tingin >.>
Di nya ba alam ang kasabihang "Biruin mo na yung lasing wag lang yung CUTE na bagong gising at di natuloy yung kiss sa lalakeng gwaping"
"T-tinatawag na po kayo ng mga magulang nyo bumaba na daw po kayo" hahaha natakot ko yata hehehe bad jarene XD
"Ah oo bababa na ko" sabi ko
Lumabas na yung kasambahay namin
Bakit kasambahay ang tawag ko parang ang pangit naman kasi kung tawagin ko silang mutchacha at maid
Although yun ang kadalasang tawag sa kanila.
Ah.!!!! basta wala lang yun ang trip ko eh.
Wala nang tanong period no erase exclamation point 1000x hahahaha
Bumangon na ko at pumasok sa bathroom at ginawa ang morning rituals
Naligo,nag tooth brush para di ka awkward magsalita sa harap nang madami pero di ako bad breath ha,naglotion nagbihis
Nagpabango konting powder at lipgloss lang
Tyaran!!!!!!!! Im so pretty talaga walang kokontra ang komuntra ipapatira ko sa mga Hitman ng Daddy ko >:D
Pagkatapos nun bumaba na ko at pumunta sa dining room nadatnan ko na kumakain na dun ang mga magulang ko
And their eating their breakfast with different gadgets on their hand
=.=
Kailan ba sila titigil jan sa business nayan
Nilapitan ko sila
"Good morning mom" kiss sa cheeks
Sinenyas nya lang ang kamay nya
"Good morning dad"
Tumango lang sya
Hay kailan ba magbabago ang lifestyle ko
Pag kaupo ko binaba na nila yung kung ano anong anik anik nila
"Good morning baby" bati ni mommy
At nagsimula na kami kumain
"Nga pala baby nakapag decide ka na ba kung saan ka magaaral nang college" panimula ni daddy
"No dad di pa po"
"I wish na kunin mo ang BSBM magiging maganda kung sa company ka natin mag tra trabaho" ani ni mommy
"pag iisipan ko po"
makalipas ang ilang minutong katahimikan napansing kong tumingin sa relo si dad
"Hon tara na malalate tayo sa meeting natin" sabi ni daddy
Tumayo na silang dalawa
"Baby alis na kami pag isipan mo ang sinabi ko ha tsaka bilisan mo ang pag iisip malapit na ang enrollment at wala ka paring gustong kuning course" paalala ni mommy tinanguan ko lang sila si daddy naman ay tahimik lang tumayo narin ako at hinatid sila sa may pinto hinalikan nila ko sa pisnge at nag paalam na.
Saan naman kaya ako pupunta ngay-- opppsss!!! sorry kanina pa pala ko nagdadaldal dito pero di nyo parin ako kilala hihihi peace^.^V
By the way highway ako po pala si Maria Euricka Floredemcy jarene Perez nakatira sa pukong pukong street di makita village hihihi ganda ng village namin nu anak ako ni jingjing perez at jungjung perez -.-
at syempre
joke lang yun XD
Ito na talaga promise totoo na to as in i'm Maria Euricka Floredemcy Jarene Perez certified Daddy's girl and remind ko lang hindi ako brat ha ;).Haba nang pangalan ko no grabe di naman nag enjoy sina Mom ang Dad sa pag pangalan sakin no di talaga halata Grabe -.-.Only daughter ng may ari ng PGC short for Perez Group of Companies the leading company in the WHOLE ASIA kahit na sa America .Parents ko sina Nathalie at Jacob Perez kaya nga sobrang busy nina mommy eh ang laki ng hinahawakan nila naiintindihan ko naman yun kaso minsan kasi parang wala na silang inisip kundi ang company (maliban kay daddy) parang wala silang anak e SOBRANG BUSY TALAGA pero enough of that saan ng ba ko tumigil kanina ay oo nga pala
saan ako pupunta ngayon
Then may naalala ko pupunta nalang pala ko kay Sarah ngayon.