Prologue: Presenting Peppy

29 3 0
                                    

Si Peppy Field ay merong mga magulang na mahal na mahal siya, isang nakatatandang ate na bihira siyang asarin, isang malaking bahay na may Corinthian pillars sa magkabilang side ng front door, at ang klase ng high fiber breakfast cereal na ginagamit ng mga manufacturers sa kanilang advertisement. Nakuha niya yung kulay copper niyang buhok at yung mahogany eyes niya sa kanyang ama, at yung olive skin niya at yung kawalan niya ng kakayahan na kumanta ng nasa tono sa kanyang ina. Bibihira siyang maging miserable, siguro dahil, sa buong thirteen years at eight months niya sa mundo, ang katangi-tangi at totoong inconvenience lang na nilagay ng buhay sa kanyang landas ay ang pagkamatay ng apat niyang goldfish nang sunud-sunod at ang kawalan niya ng kakayahan na maintindihan ang basic principles ng physics at chemistry. Hindi na niya inaalala yung huli, since nakapag-decide na siya na maging pinakabatang advice columnist sa buong bansa pagkatapos ng school, at ‘di makakatulong sa kanya ang kaalaman sa mga magnetic fields.

                Siguro dahil sa sobrang konti ng kanya, masyado na ring concerned si Peppy sa problema ng ibang tao. Naniniwala siya na lahat ay may karapatang maging kasingsaya niya, at kapag nakikita niyang hindi, pakiramdam niya dapat ay may gawin siya. At dito siya nagiging busy. Si Peppy ang nag-organized ng Year Nine’s sponsored line dance para sa Comic Relief, si Peppy ang nagsulat ng mga impassioned pieces ng school magazine sa kada topic mula bahagi ng Romania hanggang sa pangangailangan ng mga public library, at si Peppy na siyang nilalapitan ng lahat sa unang senyales pa lang ng problema. Yung absorption niya ng mga problema nila, samahan pa ng kasiguraduhan niyang maitatama niya ang lahat, ay nakagiginhawa talaga do’n sa mga taong nakikipagbuno sa lumalaking expectations sa kanila ng mga teachers nila, sa unreasonable behavior ng mga magulang nila o, tulad ng kaso ng best friend niyang si Livi, ay napunta ang boyfriend kay Mia Fazackerly, na may napakahabang legs at nagpa-tan ‘ata ng isang taon.

                Hindi goody-goody si Peppy sa kahit anong sense of the word, pero wala siyang nakikitang point sa pagiging mahirap pagdating do’n. Dahil dito, sinisira niya lang yung mga rules na sa tingin niya ay unfair o stupid at the first place, at kapag nakagawa na siya ng punto niya, babaguhin niya ito. Ang masigasig na kilusang ito ang siyang nagpasikat talaga sa kanya sa mga barkada niya at sa mga teachers niya. Si Mrs. Joll, na estudyante si Peppy sa PSE lesson, ay nagsabi minsan na hindi dapat mangahulugang Personal and Social Education yung initials kundi Peppy Sorts Everything.

                Sinasabi kasi na since mas deserving pa sa oras niya ang pagtingin sa emotional traumas ng mga kaibigan niya kesa sa schoolwork, tumaas-baba ang school grades ni Peppy in direct relation sa bilang ng mga problemang gusto niyang i-solve at the time.

                Wala sa mga problemang ito ang may kinalaman sa sarili niyang buhay-bahay. Ang tatay ni Peppy, na si Leo Field, ay isang matangkad at eleganteng lalaki na nagpapatakbo ng sarili nitong kompanya, sa pagbebenta ng mga gazebos at ng mga stone goddesses at paggawa ng mga Japanese bird baths. Naglalaro rin siya sa Waterline Golf at Country Club at naging leading light sa Abingvale Photographic Society, kung saan ang Mist on a May Morning niya ang nanalo ng Black and White Photograph of the Year.

                Hinahati naman ng nanay niyang si Celia ang oras nito sa pagbibigay ng mga lunch parties sa mga matatalik nitong kaibigan at sa paglalaro sa Waterline ladies’ tennis team. Hindi siya nagtatrabaho, dahil sabi niya sa mga career-minded friends niya na ang paggawa ng tamang home environment at ang pagpapalaki ng pamilya ay isang full-time job, and besides, sapat naman yung kinikita ni Leo para sa lahat ng pangangailangan nila. Hindi niya binibigyan si Peppy ng kahit anong problema, ‘di tulad sa mga nagtitiis na kaibigan nito; kung gusto ni Peppy ng bagong damit, icha-charge niya lang ‘to sa isa sa mga store accounts na mama niya; kapag nag-organized naman siya ng sleep-overs, nagbibigay yung mama niya ng napakaraming pepperoni pizza at home-made blueberry ice cream at bihira rin sila nitong sawayin kapag nag-iingay sila.

                Si Melissa naman, na kanyang almost-eighteen-year-old sister, ay isa ring napakamatulunging kapatid, na handang magpahiram kay Peppy ng mga silk shirts, bronze blusher, unladdered tights, at pagamitin ng kanyang hot brush. Madali niya ring nasasagutan ang math homework ni Peppy na siyang dapat asahan sa isa na mag-aaral sa Cambridge University. Magkakaroon muna siya ng Gap year, para mag-travel sa Australia, mula sa pagpapaunlak ng air ticket na hiningi niya sa parents niya bilang regalo sa kanyang eighteenth-birthday. Hindi niya masyadong kamukha si Peppy, dahil may blue eyes siya, porcelain-white skin, at bobbed hair na kakulay ng hinog na mais, pero naniniwala siya sa pinaniniwalaan ni Peppy na maa-achieve mo ang kahit anong gustuhin mo basta’t gagamitan mo lang ‘to ng tamang taktika. At kung mas concerned si Melissa na ma-achieve ang sarili niyang mga tunguhin, habang ang kapatid niya naman ay gustong pasayahin ang buong mundo, malugod nilang pinagsisikapang matamo ang mga layunin nila dahilan para sila’y tawaging “lovely Field girls” ng mga matatandang ale sa church.

                Ang tanging member lang ng Peppy’s family na pwedeng magbigay sa kanya ng kahit ano tulad ng problema ay si Lola Jay. Mahal na mahal ni Peppy si Lola Jay mula sa kaibuturan ng kanyang puso, at marami ang nagsasabi na namana ni Peppy ang kanyang stubborn nature at ang refusal na magsabi ng hindi para sa sagot, dito sa kanyang maternal grandparent. Four feet eleven si Lola Jay, parang hugis cottage loaf, na may blue-rinsed hair, iron will, at tendency na magsabi ng mga kawikaan. Naninirahan siya, na kinatatakutan ng nanay ni Peppy, do’n sa parehong maliit na Victorian terraced cottage sa tabi ng Leehampton canal for the past fifty-one years at tinanggihan ang lahat ng pagbabalak ng nag-aalala niyang pamilya na ilipat siya sa kung saan mang lugar na mas suitable tirahan ng mga tulad niyang tumatanda na. “Ang punong inilipat ng taniman ay mamumunga ng wala,” ang paninindigan niya, at dagdag pa niya’y hindi siya do’n aalis pwera na lang kung kaladkarin siya.

                Ang problemang “ano’ng gagawin kay Lola Jay” ay mga ilang buwan nang pinaggugugulan ng oras at pag-uusap ng parents niya, pero nitong umaga, kung kailan dapat pinag-aaralan niya ang speed ng train na mula sa Edinburgh papuntang London hanggang sa masalubong nito ang isa pa na mula London papuntang Glasgow—na para namang may paki ang lahat—ay nakaisip ng perfect solution si Peppy.

                Ipipresenta niya ang kanyang ideya ngayong gabi sa pamilya, at sure siya na isa ‘tong brilliant plan. But in the meantime, meron siyang mahirap at madaliang problemang kailangang ayusin.

                Sa lahat ng mga challenges na willing na tinanggap ni Peppy Field, ang ayusin ang love life ni Livi Hunter ang pinakamahirap.

PeppyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon