* After two months *
September 12, 2011
Eto na yata. Sasagutin na ata ako. Habang magkatext kami. May nareceive akong message.
Siya: Pwede bang mag-ask ng favor?
Ako: Oo naman. Anu yun? (Nacurious tuloy ako)
Siya: Ahmp! Pwede itigil mo muna panliligaw mo sakin? (OhMyGoodness)
Ako: HA? eh bakit?
Siya: Basta. Sorry ha.
Ako: Okay. :(
Siya: Thank You. Ang bait mo tlga. (Binola nya pa ako)
September 25, 2011
After that, may nareceive akong message ulit galing sa kanya. Eto ang sabi.
- Mahal, Okay na. Wala na tayong problem.
* Syet! Tumulo luha ako, kaya pala pinapahinto na niya ko sa panliligaw kasi may BF na siya. Sobra akong nasaktan at that point. Sinabi ko sa kanya na nawrong send sya. Sinend back ko sa kanya yon. Sabi nya:
Siya: Ay sorry! :(
AKo: Kaya pla pinapahinto mo ko sa panliligaw. Kase andyan na yung iba.
Siya: Sorry!
AKo: Akala ko naman kung anung dahilan lang kaya hindi ko itinigil (start my tears falling down)
Siya: Sino ba kasi may sabing hindi ka tumigil. (Sakit, sobra)
AKo: Syet! Mahal na mahal kita. :( (Umiiyak ako nun magisa sa kwarto)
Nagkasabihan na kami ng masasakit na salita tapos nagsorry din sya sakin sa huli. (PERO ANSAKIT NYA MAGSALITA, NGAYON LANG AKO NAPAIYAK NG BABAE)
--------- THE FIRST TIME SHE HURT ME --------------------
Monday na, kinausap ako nung teacher namin dahil ilalaban daw ako sa Essay Writing. Narinig siguro nila nung nanalo ako ng 1st Place sa Essay Writing sa BSP kaya ayun. Maya-maya pa, lumapit sa kin yung President ng AP Club para papirmahan yung consent upang makasama ko sa contest.
Then, nakita ko yung name nya. Siya pla yung lalaban ng muse. (Masasaktan na nman ako neto)
* CONTEST DAY *
Mabuti nalang hindi siya sumabay samin sa jeep na sasakyan papunta sa venue. Nahuli pala sila nung escort. Dahil gabi pa naman yung contest nila.
* AT THE CONTEST VENUE*
Nakarating na kami sa RNHS, Bgo pa magsimula yung laban ko, dumating na sila nung escort. Kasi may nagsabi daw laban na din nila, tapos hindi pa pla. Ang ganda niya, naka make-up syempre.
Two day contest to.Gabi na nagsimula yung contest nila kasi kokonti yung mga facilitator, andun pa sa mga ibang contest saka hinintay pa yung magju-judge sa contest pageant. Full support lahat ng schoolmates namin na may iba ring contest, andun kami lahat. But, she didn't won. Nang matapos yung contest sinamahan namin sila na hanapin yung mga damit nya na naiwan sa bihisan. Sumasakit na daw yung paa niya.
Tinanggal niya yung sandals niya tapos yung mga kasama ko naman sakin pinahawak yung sapatos niya. (Waa, naging alalay pa. Haha)
Nagpipicture taking na kami nun tapos kinantsawan ako ng mga ka schoolmates ko na kami naman daw yung mgpapicture. Hiyang-iya ako so ayaw ko.
Sabi niya: Halika na, Wag ka ng mahiya (The first time nya kong nakausap. Yeah!)
Hindi na ko nakatanggi nung sinabi nya yun. So, nagpapicture na kami.
Kilig naman yung mga kasama ko nung nakita yun. Pero ako naman. Tss Wala lang.
Dun ako natulog sa school venue kasam yung iba kong kasama pero sila, umuwi dahil walang dalang damit. Uuwi din sana ko pero masyado nang gabi. Mang aabala pa ko.
She texted me ng mga nangyari. Sayang daw hindi siya nanalo. At exactly, yung number nya sa pageant eh #11. Napag usapan namin yun. Suplado daw ako, di ko daw siya pinapansin. Ayun, yun na tinawag niya sakin. (Ang Corny. Haha)
BINABASA MO ANG
All Out of Love
Teen FictionBakit pa kailangang mahalin ang isang tao? Kung sasaktan ka lang. Pero, Bakit ganon? Kahit ilang beses nya akong saktan, Mahal na Mahal ko pa rin sya.