Angela Avila Pov
'GELAY WALANG JOWA! GELAY WALANG JOWA! GELAY WALANG JOWA! GELAY WALANG JOWA! GELAY WALANG JOWA! '
Nagising ako ng wala sa oras dahil sa punyetang tunog ng alarm clock ko at alam ko na agad kung sino ang may pakana kung bakit ganun ang tunog ng alarm clock ko.
"KUYAAAAA!!!!! PUNYETA KA BAKIT MO BINAGO YUNG TUNOG NG ALARM CLOCK KOOOO!!!!! "
" GELAYYY ANG BUNGANGA MO! " Rinig kong sabi ni mama kaya napanguso ako.
" Mama si kuya kase binago yung tunog na alarm clock ko sira na tuloy ang araw ko" sabi ko kay mama habang nababa sa hagdan kitang kita ko kung pano magpigil ng tawa ang demunyu kong kuya.
Sino ba namang di magigising kapag ganun yung tunog na alarm clock mo alam ko naman na wala akong jowa bakit kailangan niya pang ipamukha palibhasa andami niyang kabit kaya araw araw ding nasasasampal ng mga babae niya e
" First day mo ngayon sa CEU anak kaya kumain ka na. " Sabi niya habang nilalagay sa lamesa yung bacon at hotdog.
" Kaya nga ganun yung tunog ng alarm mo para magising ka kaagad HAHAHAHA" sabi ng kuya kong detergent habang nakain.
" Nakakatawa yon kuya alas nuebe pa ang pasok ko ginising mo kaagad ako ng ala-sais! "
" Tama na yan nasa harap kayo ng pagkain" sabi ni mama kaya natigil kami ni kuya.
Pagkatapos kong kumain umakyat na kaagad ako sa kwarto ko para maligo
-after 10 minutes-
" Ma pasok na po ako"
" O sige eto na yung baon mo " at inabot niya sakin yung lunch box.
" Thanks ma nag abala ka pa may cafeteria naman po dun sige ma pasok na ako Love you babye ma! " Sabi ko at humalik sa pisngi niya.
_______________
CARANTO&EVANGELISTA UNIVERSITY
WOW hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay namangha na agad ako sa itsura ng CEU. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante dahil sa reaksyon ko
E ano namang pakialam ko sa iisipin nila isipin nila ang gusto nilang isipin hanggang sa mamatay sila.
Eto ang dahilan kaya na k-kick-out ako sa mga dati kong school matalino ako sadyang pikunin nga lang
Kanina pa ako naglalakad at pakiramdam ko maya maya maliligaw na ako kaya napag desisyunan kong magtanong kung saan ang principal office
" Hi! Uhm.. transferee kase ako saan ba yung principals office? Kanina pa kase ako naghahanap hindi ko pa rin nakikita."
" Hi! Miss Transferee I'm Ella Nandun sa 4th floor ng last building yung principals office just use the elevator nalang para mabilis." Sabi nung babae mahaba at medyo kulot ang buhok maganda siya yung tipong pang miss universe yung ganda.
Tangina na nahiya yung tigyawat ko sa noo buti nalang may make up ako:>
" Thanks Ella"
Tumango nalang si Ella bilang sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
May anim na Building kase ang CEU at hindi ko alam ang mga yon:>
Andami no anlawak rin naman kase ng CEU may limang pools pa akong nakita tig-iisa kada building
Sabay sabay tayong mag-sanaoll:>
Di ko siya fully na nalibot kase kulang yung oras ko at ang lawak ng university na to baka maligaw pa ako.
YOU ARE READING
The Run Away Heir (Slow Update)
Подростковая литератураBakit kailangan tayong iwan ng mga mahahalagang tao sa buhay natin? Alam ko naman na kapag nagmahal ka masasaktan ka pero di ko naman inexpect na ganito pala kasakit. Ikaw nalang kase yung inaasahan kong tutulong sakin nung mga panahong yon. Siguro...