Minsan gusto kong humiling na sana, totoo na lang yung "Time Machine." Sana pwede kong balikan yung nakaraan. Yung panahon kung saan kailangan kong mamili at magdesisyon. Sana pala, hindi ko na siya binatawan.
"Nhia, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan. May problema ba?"
Nakatitig lang sa'kin si Vince. Nakakahiya. Bakit kasi ngayon pa.
"No. I'm okay. Sorry."
"Are you sure you're fine? Ayaw mo ba dito sa restaurant na to? Pwede naman tayong lumipat..."
"Ayos lang Vince. Dito na lang tayo." I smiled at him. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi na dapat ako nagpapa-apekto.
May lumapit sa aming waiter at kinuha ang order naming dalawa. Hinayaan ko nang si Vince ang um-order para sa'kin. Ewan ko ba pero sobrang gulo ng isip ko ngayon. Pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko.
"Nhia, I want you to know na sobrang saya ko ngayon na kasama kita. You don't know how much this means to me. Parang kailan lang, sinusungitan mo 'ko pero ngayon, two years na tayo." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. " I love you Nhia. Thanks for coming into my life."
Lumapit siya at hinalikan ako pero sa isip ko, iba ang naaalala ko.
Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Akala ko kaya ko na. Akala ko nakalimutan ko na siya pero hindi pa pala.
Dumating ang order naming dalawa pero wala pa rin ako sa sarili ko. Nandito siya. Bakit ngayon ko pa ulit siya nakita?
Kumain kaming dalawa ni Vince. Habang kumakain ay nagku-kwento siya pero wala akong naiintindihan ni isa sa mga sinasabi niya. alam kong mali pero paano ko ba pipigilan ang nararamdaman ng puso ko?
Kanina pagpasok namin sa restaurant ay nakasalubong namin si Kristoff. Ang nag-iisang lalaking minahal ko ng sobra. Alam kong nakita niya ako pero agad din siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa ginawa niya. Para bang hindi niya ako kilala.
Sabagay, sino nga ba naman ang hindi magagalit kung iwanan ka ng taong mahal mo? Alam kong sobra din siyang nasaktan sa nangyari pero nasaktan din ako. At ngayon nga na nakita ko siyang muli, bumalik sa alaala ko ang lahat.
"Okay ka lang ba Nhia? Hindi mo pa nauubos yang pagkain mo..." sabi ni Vince.
"I'm okay. Busog na siguro ako. But the food is great. Thanks for bringing me here." I smiled at him.
"You're welcome my Princess. Happy second anniversary." At inilabas niya ang isang maliit na kahon.
"Open it. That's for you."
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Sana ay wag muna siyang mag-propose ng kasal. Ayaw ko pa. Hindi pa ako handa. Ayaw ko na magkamali ako at masaktan lang namin ang isa't-isa.
Kinakabahan man ay kinuha ko ang kahon at binuksan. Diamond ring ang nasa loob. Tinignan ko siya pero ngumiti lang siya at tumayo. Pumunta siya sa stage sa unahan ng restaurant.
"Everyone, may I get your attention please?"
Napatingin ang lahat ng tao sa kanya. Kinakabahan ako. Alam ko na ang gagawin niya. Pero anong gagawin ko? Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
"Good evening to all of you. This night is very special for me dahil ngayong araw na ito ay 2nd anniversary namin ng girlfriend ko. Alam ko na ang marami sa inyo ay nagtataka kung bakit ako nandito sa harapan niyo pero isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. At yon ay dahil ngayong gabi, gusto kong ipagsigawan sa mundo, na mahal na mahal ko si Nhia Almonte at siya lang ang babaeng mamahalin ko habambuhay."
BINABASA MO ANG
Thinking of You (Short Story)
RomanceCommitment will always be a choice. We can never cheat our hearts.