Mr. Simangot

1.1K 29 28
  • Dedicated kay Christian Sta Iglesia
                                    

first story ko to... nahihiya man ako pero sige goo...

 yung pinagdedicatan ko ng story ko. Sya talaga si Christian. Kayo na bahala mag isip kung totoo o hindi yung kwento.hehehe

Dedicate ko din ito sa mga gustong bumasa..hehehe

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa bahay ng Papa ko kami nakatira. Kasi hiwalay na sila ni Mama. Pero noong First year high school ako, nagbago na lahat.

Pinalipat kami sa bahay ng Mama ko para mag-aral.

Bagong mundo para sa akin, bagong kaibigan, bagong mukha, Bago lahat.

Ako nga pala si Mae.

1st week ng klase, Friday. Uwian na pero tinatamad pa akong umuwi kaya tumambay muna ako sa bench na tanaw lang ang covered court.

May formation na mga ROTC kaya nanuod muna ako.

Habang gumagala ang mga mata ko sa mga tao sa court. Bigla itong napahinto sa isang guy na nakasimangot, nakakunot ang nuo at parang laging galit. Kumbaga kantiin mo lang eh kakainin ka na ng buo.hehehe

Napako ang tingin ko sa kanya ng di ko namanalayan. Nakasimangot sya pero parang sya na ang pinakacute sumimangot na lalaking nakita ko sa campus. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bumalik lang ako sa mundo ng kinalabit ako ng kaklase kong si Bebe.

"Hoy! Andito ka pa pala? Anong ginagawa mo dito?" - Bebe

"Tinatamad pa kasi akong umuwi." - ako

Habang kausap ko si Bebe, nakatitig pa rin ako sa guylet.

"Sino tinitignan mo dyan? Baka natunaw na yun kakatitig mo?"

"Yung guy na yun oh? Sino yun?"

Tinuro ko ng nguso ko yung lalake.

"Ahhh yun ba? Di ko rin kilala eh?"

"Nagreact ka pa ng bongga di mo rin pala kilala.."

"Di ko nga sya kilala pero classmate nya kilala ko. Yun nga yung dahilan kung bakit pa ako nandito. Hinihintay ko sya. Sabay kaming uuwi."

"Talaga? Pakitanong naman kung sino yun."

"Bakit, type mo?"

"hindi ah? Naiintriga lang?"

"Eh di tanungin mo sya kung anong pangalan nya?"

"Ayoko nga? Kainin pa ako ng buhay nyan eh? hehehe"

"Sige ipapatanong ko nalang sa kakilala ko yung pangalan nya. Pero ang alam ko 3rd year na sya at advance officer sya ng ROTC. Kasi nga magkaklase sila nung kaibigan ko."

"Talaga? Salamat. Pero wag kang maingay na ako nagpapatanong ha?"

"Sige."

Uwian na...

Sabado at Linggo. hindi na sya maalis sa isip ko. Nagtataka na rin ako sa sarili ko kung bakit ba lagi ko nalang syang naiisip.

"Crush ko sya?" tanong ko sa sarili ko.

Kasi kung di ko sya crush, di sya maiistuck up sa utak ko. Anu ba yan, nababaliw na ako. Kinakausap ko na pati sarili ko.

Mr. SimangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon