Mr. Simangot III

170 6 2
                                    

Pasesnsya na kayo at natagalan ang last part. madami kasi akong inasikasong mga papers. tinapos ko na agad kasi alam kong hindi ko na ito mahaharap s mga susunod na linggo. Sana magustuhan nyo ang last part. (di ko na binasa ang sinulat ko.) kayo na humusga.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umuwi  ako ng bahay na may dalang kalungkutan. Sandali ko pa nga lang nakikita ang mahal ko, aalis na naman ako. Imbis na sya na ang lalapit para sa akin. Ako naman itong lalayo sa kanya. Dalawang taon pa kaming hindi magkikita.

Pagdating ko, agad akong dumiretso sa kwarto para muling icheck ang sulat. Nagbabakasakali akong mali ang nakita ng kapatid ko. Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na hindi totoo ang mga nangyayari. Pero bigo ako.

Inasikaso ko na lahat ng mga kailangang para pagdating ng araw ng alis ko ay wala na akong poproblemahin. Sabi nga pala ni Christian, luluwas na sya bago ako umalis para naman magkita kami bago ako mawala ng dalawang taon.

Two days before ng alis ko, dumating naman si Christian. Inagahan nalang nya para may time pa kami sa isa’t isa. Ako naman ang sumundo sa kanya sa airport.

“Hi bebe ko. I miss you.” Sabaya yakap sa kanya ng sobrang higpit.

“kamust ka na? tapos na ba lahat ng inaasikaso mo?”

“Hmm… Opo. Tara na? Alam kong pagod ka sa byahe.”

Sa bahay muna kami tumuloy. Sa kwarto ko sya matutulog…..

Syempre sa kwarto ako ng kapatid ko makikitulog…. Isip…. Hahaha

Pinagpahinga ko muna sya sa kwarto pagdating namin. Kami naman ng kapatid ko ay nagluto ng makakain namin.

Paglipas ng ilang oras ay maghahapunan na. tinawag ko na para makakain.

Sa lamesa. Habang kumakain ay nagsusubuan kami. Tawa lang kami ng tawa na animo ay wala nang kinabukasan.

“Anu ba yan, nakakainggit naman. Tawagan ko nga muna jowa ko. Nakakainis naman kayo eh.” – Kapatid ko.

“Sorry nalang Sis, mainggit ka muna ngayon. Nasa work jowaers mo. Moment namin to. Hehehe” - Ako

Habang nag uusap kaming dalawa ay pinagmamasdan lang kami ni Christian. Napansin ko ito kaya tinanong ko sya kung bakit.

“Wala, natutuwa lang akong pagmasdan kayong masaya, lalo na ikaw. Sana di ka nalang umalis, sana nasa tabi nalang kita lagi. Pero sabi nga ng Mama mo, two years lang naman. Makakapaghintay naman ako. Basta huwag ka lang maghahanap ng iba ah? Akin ka lang.”

“Oo naman bebe ko. Hinding hindi ako maghahanap ng iba. Ikaw lang ang nag-iisa sa heart,lung at intestines ko. Tandaan mo yan. Sayong sayo na ako.”

“Itali mo na lang sa likod mo si Ate para di makawala. Hahaha” – Kapatid ko

“Eh kung leeg mo itali ko sa labas? Gusto mo?”

At nagtawanan na naman kami.

Pagkatapos kumain ay lumabas si Christian sa veranda para magpahangin. Pagkatapos ko namang magligpit ng pinagkainan ay sumunod ako sa kanya. Naupo kami sa swing habang tinignan ang mga stars. Inakbayan nya ako habang hawak naman ang kabilang kamay ko.

“Sana ganito nalang lagi. Sana din a matapos itong gabing ito. Ang dami pang sana. Sa totoo lang, may panghihinayang ako mahal ko.” - Christian

Mr. SimangotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon