CHAPTER 8 ( FAMILY DAY)

3 0 0
                                    

Nasabi ko na sa mga kaibigan ko yung pa-thank you treat sakin ni Chrey at pumayag naman yung tatlo.. malamang pati si Zayn,, hindi naman tumatanggi yun diba... sa ngayon ,, nandito kami sa School at si Zayn andun sa Clinic... wala siyang sakit ah.. natutulog lang siya dun.. tsaka wala naman daw masyadong dinadala sa Clinic kaya tuwang tuwa yung mga nurse dun at doctor pag nandun si Zayn kasi may libangan daw sila... sa totoo lang.. parang na-iimune na yung school namin na andito si Zayn... at ganun din si Zayn.,, 

At dahil wala si Zayn samin.. parang may na-mimiss kaming mga Inday na gawin.. ang amin kalokohan. ahaha may bago kaming misyon.. at kung sino yun ? edi yung classmate namin na bagong transfer lang at ang lakas mambully.at saksakan ng yabang... pinagtitripan niya yung isang classmate namin na hindi ko masabi kung nerd ba.. kasi hindi siya yung may talent sa pag-arte o ano... kahit singing and dancing wala din.. pero, siya ang utak ng lahat ng Plays namin... siya ang nag-iisip ng concept,, siya ang nag-aarrange ng background music at may time na siya na ang nag-didirect, dun siya nag-eexcel, ang problema nga lang sa kanya.. may pagkaweird siya... hindi pala-imik at hindi din siya ganun ka-sociable... Kaya siya ang unang napansin ng transferee nung pagkapasok niya.. madalas niya agawin yung papel kung saan sinusulat ni Dan (Weird Classmate) yung mga naiisip niyang plot para sa play... habang ginagawa kasi ni Dan yun, kinakausap niya yung sarili niya at kung minsan kinokontra niya yung sinasabi niya,,, ganun siya ka-weird eh...minsan naman pinapatid niya pag dadaan si Dan.. ang sama niya diba... Kapag pinagsabihan naman siya ni Mr. President, sasabihin niya di daw niya uulitin pero malalaman mo nalang ,, pinagtripan na naman niya si Dan at aaminin ko hindi din ako nakaligtas sa kanya, dahil inasar niya din akong batang ina..tapos minsan pinapaiyak niya si Zayn aba ! talagang inuubos niya ang pasensya naming mga inday... at dahil matagal na namin di nagagawa yung kalokohan namin....

It's about time!!.. It's Payback time..

[FLASHBACK]

andito kami sa Cafeteria ngayon dahil 15 mins. Break..

"Alam niyo mga Inday.. Asar na asar na talaga ako dyan sa BenjtheBully na yan eh ,, pinaiyak na naman niya si Zayn kanina.."   sabi ko, kandong ko si Zayn ngayon at pinapakaen ng cerelac

"Oo nga... kung di ko talaga napigil baka nasapak ko yun.. wawa naman si Zayn walang kamalay malay tapos inaaway nun" Mika

"isa pa,., nakita mo ba si Dan kanina... parang iiyak na sa sobrang badtrip dun nung inagaw niya yung skit ng bagong play na ginagawa ni Dan eh" Jira

"Buti nalang kamo dumating si Mr. President at inawat niya si Benj" Claire

Nagkatinginan kami ulit apat.. at alam niyo na kung anong tinginan yun....*evil grin*   Nagsimula na kaming magplano ,, gagawin namin yun mamayang vacant namin..

[END OF FLASHBACK]

1 hr. Vacant na namin ngayon dinala namin si Zayn sa Clinic kasi natutulog na... at pagkadala namin sa kanya eh sinimulan na namin yung plano....

Nanguha kami ng mga antik dun sa puno sa may field ng school... Tapos yung glue na dala ni Claire para sa props mamaya... pati yung invisible nylon na gamit din namin sa Play...

Sinigurado muna naming walang tao sa hallway tsaka kami nag-ninja moves.. unang inayos ni Jira at Mika yung invisible nylon sa may pinto... nung natapos sila ay nag tago na sila sa may secret passage tapos sumunod naman si Claire at nilagayn ng sangkatutak na glue yung upuan ni Benj, sakto naman na transparent yung kulay nun kaya di mo mahahalata , pumwesto na din si Claire dun sa passage at ako na yung pang last... nilagay ko na yung mga antik sa upuan ni Benj ... at sumunod na ko sa passage,, pag dating ko dun ay lumabas na ulit kami na parang walang nangyari,,, 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon