Prologue
In the middle of the night, loud sirens echoed in Charleston Street. Everyone was awakened even before the police cars came. Maging ang matandang babaeng alas sais pa lamang ng gabi ay mahimbing nang natutulog, napabangon dala ng nagaganap na kaguluhan. The beggars camping under the East bridge, the nine to five people, gathered in front of the smallest, most mysterious house in the neighborhood.
Dahil iyon sa isang dahilan.
Ang pinakatahimik na kalye sa Tensville, ginulantang ng isang nakabibinging tili sa gitna ng payapang gabi.
And then there was complete silence inside the house. The lights sudd turned off. Hindi lang sa bahay na iyon kung hindi sa buong kalye. The streetlights exploded. Trees remain still. There was...silence. A terrifying one.
Officer Aguilar hopped out of the police car. Nagtinginan sila ng kanyang partner saka nila sabay na nilapitan ang ilang residenteng tumawag sa kanilang emergency hotline.
"Madalas bang nag-aaway ang nakatira rito?" tanong ni Aguilar.
Tila nangangambang umiling ang babaeng tinanong. Ito ang kapitbahay na tumawag ngunit nang tanungin nila kanina sa telepono, inamin nitong hindi nito kaibigan ang biktimang nadinig na sumigaw.
As a matter of fact, nobody seems to know the woman on a personal level. Nakikita lamang daw itong naglalakad pauwi galing ng trabaho sa isang twenty-four hours diner sa downtown. Walang imik ang babae tuwing binabati. Wala ring nakakaalam kung taga-Tensville talaga ito o sumama lang sa nobyo dala ng kabaliwan sa pag-ibig.
"Kahit iyong nobyo niya, hindi naman namin iyon talaga kilala pero mas palabati sa mga kapitbahay iyon."
"Can you tell me how old they are?"
"Siguro nasa bente-singko hanggang bente sais."
Aguilar wrote it down. "Did you happen to know their names?"
"Just their first names. Tanya iyong babae. Iyong lalake, parang Hans yata o Lance. Hindi ko sigurado."
"Hans iyon," sabat ng isa pang residente. "Binati ko pa nga kanina dahil may dalang mga kandila at bulaklak. Baka kako anniversary. Ngumiti lang naman."
Nagbulungan ang magkakapitbahay. Bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon. May ilang nagsasabing normal naman daw na mag-away ang magkarelasyon. Wala naman daw perpektong pagsasama. Ang hindi lang talaga mapaliwang ay iyong nangyari matapos tumili ang babae. Kahit si Aguilar, hindi maipaliwanag kung bakit tila walang hanging dumuduyan sa mga dahon.
Aguilar gave his signal to his men. Ang isa ay tuluyang kinatok ang pinto. "Police! Open this door."
But there was no response. Nagbigay na nang tuluyan ng warning si Aguilar. Sa kanyang pamumuno, pwersahan na sanang papasukin ang bahay ngunit nang akmang sisipain na ng isa niyang tauhan ang pinto, dahan-dahan itong bumukas. Lumangitngit ang lumang tablang kumikiskis sa sahig.
It was too dark inside the house. Nilabas ni Aguilar ang kanyang flashlight at inilawan ang loob ngunit kahit hindi niya makita, sapat na ang umalingasaw na masangsang na amoy ng dugo para mapaliwanag ang malagkit na likidong natapakan ng kanyang sapatos.
He led his team in. Nang mailawan ng flashlight ang paligid, doon nila napansin kung saan nanggaling ang amoy ng dugo.
"Pusa?" his men asked.
Tumango si Aguilar at inilawan ang limang itim na pusang nakalapag sa limng bahagi ng sala. Lahat, may sapat na distansyang tila ba sinukat at sa pinakagitna, isang rosas ang nakalagay sa pagitan ng tatlong itim na kandila.
"Ma'am?" tawag ni Aguilar pag-alis sa sala. Tahimik pa rin ang buong bahay. Walang kaluskos o anuman. Normal na ang lahat maliban sa nakita sa sala. The abstract paintings are still hanging on the wall properly.
Everything looked okay. Until he noticed the pair of feet on the kitchen's doorstep. Napatakbo si Aguilar sa bahaging iyon at nang makita ang walang saplot na babae, mulat na mulat ang mga mata habang may binubulong kahit walang tinig na nadidinig mula sa maputla nitong mga labi, agad niyang tinawag ang paramedic na naka-standby.
Lumuhod siya sa tabi nito, pilit kinukuha ang atensyon ng dalaga. "Miss Tanya?"
But she didn't respond. She didn't even look at him. Nakatitig lang ito sa kawalan, hindi man lamang kumukurap. Walang galos ang katawan ngunit talagang payat. Tila buto't balat ang dalaga.Her pale and dry lips kept mouthing words. Tuluyang yumuko si Aguilar upang pakinggan ang sinasabi nito ngunit ganoon na lang ang gulat ni Aguilar nang iangkla ng babae ang braso sa kanyang leeg. Umangat ang ulo nito at sa tapat mismo ng kanyang tainga, bumulong ang babae.
His eyes widened. His muscles numbed. And from the woman's mouth came out flies that went inside his ear. Nang makapasok sa kanyang tainga ang bangay ay bumagsak ang babae sa sahig, wala nang hininga.
Few hours later that day, the woman's boy went missing from the morgue, and Officer Aguilar was found in the woods—dead. Hanging on an oak tree, with words written in his own skin.
Naubusan ito ng dugo matapos iukit sa buong katawan ang mga katagang sinambit ng babae sa kanya. Mga katagang hindi inakala ng partner ni Aguilar na maririnig niya paglipas ng tatlong taon.
"I have a lover."
====
A/N: Hello! Please, bare with me. This is my very first try on this genre. Gusto ko talaga itong i-explore kaya kung may feedback kayo, help me grow. That would mean so much to me. Thank you!
BINABASA MO ANG
I Have A Lover
Mystery / ThrillerA few months after Alora got out from a toxic relationship, Noah came to the picture. Suddenly, things begin to turn upside down in South Cennon. Lives were taken by an anonymous killer. Horror spread all over town and on the night of the Halloween...