Prologue

0 0 0
                                    

"Ngayon lang ulit ako nakalabas ng ospital" Tumingin ako sa mga mata niyang kumikinang dahil sa ilaw malapit sa dalampasigan, dahil ba sa sakit niya ay hindi siya nabuhay ng masaya? Hindi na ako nagsalita pa dahil gusto kong marinig lahat ng iniisip niya.

"For almost 17 years, naging alipin ako sa ospital na yon, akala ko babalik sina mama pero hindi na pala" Tumulo ang luha niya "Umalis na pala sila papuntang Spain nang wala ako, bat ganon naging mabait na anak naman ako ah? Ano bang ginawa kong mali para bigyan ako ng hinayupak na sakit gaya nito?!" Niyakap ko siya at inilagay ko ang ulo niya sa balikat ko, di ko na namamalayan na tumutulo narin ang mga luha ako.

"It's okay it's okay, I'm here naman shhh"

"Bilyong-bilyong tao sa mundo pero ako ang pinili ng maykapal na makaranas nito bakit ako pa?" Hinimas-himas ko nalang ang likod niya para gumaan ang loob niya.

Habang pinapatahan ko siya ay napa-isip ako kung tama bang sabihin sa kanya na...

Aalis nadin ako papuntang America?

I shook my head and I hold his hand. Hinila ko siya papunta sa buhanginan para makaupo kami.

"Alam mo no?" Tumingin siya sakin.

Baliw ka na talaga Acie, pano ko sasabihin sa kanya?

"A-a-ah eh nevermind" Pagsisinungaling ko.

"May sasabihin din sana ako" Nabigla ako "I will never regret you or say that I wish I'd never met you, because once upon a time, you were exactly what I needed" He smiled while my tears fell on my cheeks then my vision became blurry and dark.

Nagising ako at ako'y nasa kwarto ko, bumangon ako at nakita ko si mama na naluluha at halatang tumamanda na talaga siya. Di akalain na uuwi pa pala sila.

"Anak" Tumayo siya "Naprocess na namin ng papa mo yung mga papeles mo para mailipad kana namin sa America at ang maganda doon ay may nahanap na kami na doctor na magpapagaling sayo"

Lagot. Pano na si Seungkwan? Aalis nalang ba ako ng ganon gano nalang?! Baka kung gumaling ako at bumalik ako dito sa Pinas ay magagalit siya sakin or what if mamamatay din lang ako dun? Tangena anong gagawin ko?!

"Okay po ma" Huminga ako ng malalim at hinigpitan ko ang hawak ko sa bedsheet at pinikit ang mga mata ko, nag-iisip kung sasabihin ko ba o hindi? Baka lumala yung sitwasyon niya pag sinabi ko, eh pano naman kung malalaman niya paggising niya na wala na ako? "Ma, may pupuntahan lang po ako" lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Seungkwan.

Tinignan ko kanina yung oras at 12am na, sigurado akong tulog na siya. Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto niya at dahan-dahang binuksan ang pinto at binuksan ang ilaw.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakatulog ng maayos at hindi bakas sa mukha niya ang paghihirap sa disorder niya. Umupo ako sa gilid ng kama niya at nagising siya.

"Hello, good morning" He smile at me, the sweetest smile that plastered on his face na huling beses ko nalang makikita "Oh bakit? May nanakit sayo? Sabihin mo para bigyan ko ng slapstick" Hinawakan niya ulit ang mukha ko pinunasan ang mga luha kong patuloy sa pagtulo.

I thought na hindi na ako iiyak pa, akala ko matatag ako na tao na kayang tahakin at i-overcome lahat ng challenges, mali pala ako. Ang hirap talaga magpaalam lalo na sa taong napalapit sayo, na naging sandigan mo habang nag-iisa ka at higit sa lahat ay yung minahal mo ng lubos sa loob ng ilang taon.

"Wala to, kanina kase kinagat ako langgam tapos may nakita akong nagtatambling na daga kanina then nagline-up yung mga ipis at nag-introducr ng sarili nila" I joked, hindi ko talaga ineexpect na tatawa siya sa joke kong yon.

"Ikaw talaga Acie" Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulogulo ang buhok ko.

'Sana gumaling ka na at maging matatag ka kapag wala na ako.'

Yan talaga ang gusto kong sabihin sa kanya pero di ko talaga kaya.

"O tulog na muna tayo" Sabi ko at humiga siya.

Nanatili akong nakaupo at hinihimas ang buhok niya ng dahan-dahan habang hinehele siya. Namamasa na ulit ang mga mata ko at patuloy ko parin siyang pinanatulog, nang mamalayan kong tulog na tulog na siya ay inayos ko ang bangs niya ay binigyan ko siya ng halik sa noo at bumuhos na ang mga luha ko.

"I love you" I whispered at his ear then I turned off the light and left the room.

•••

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Are You Bored Yet? (Sebong-nim Series Pt.1)Where stories live. Discover now