Hahangaan...
Rerespetuhin...
Mamahalin...
Iilan lamang iyan sa nais kong maramdaman bilang isang prinsesa ng isang kaharian.
Ngunit tila'y ipinagkakait ito sa akin ng kalawakan. Ka'y simple lang naman ng aking mga kahilingan.
Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaroon ako ng sumpang sa mga taksil lamang ipinipataw.
Dalawang sungay na sumisimbolo na ako'y isang taksil. Na kung lilitaw ay sa tuwing ako'y magagalit.
Ang aking dalawang itim na mata, na kailanma'y hindi nito maipapakita ang sakit na aking nadarama at ang aking mga pagdurusa.
Mga matang kailanma'y hindi lalabasan ng kahit isang patak na luha.
At sa huli, ang unti-unting pag-itim ng aking mahabang buhok. Ito'y sumisimbolo sa sakit at poot na hindi mailabas ng aking mga mata.
Binigyan nila ako ng sumpa na walang sapat na pagkakataon upang ipahayag ang aking tunay na rason.
Ang aking ama't ina, isang kapatid na lalaki, hinayaan nila akong magdusa. Itinuring nila akong taksil at ipinatapon na parang basura.
Hindi man lang nila ako hinayaang magpaliwanag?
Nasaan ang hustisya para sa aking mga katulad?
May sapat akong dahilan, ngunit wala na itong kahalagahan sapagkat inalisan na ako ng karapatan.
Masakit mahatulan ng kamatayan, kung ang ginawa mo'y hindi naman kalapastangan. Ngunit isang sakripisyo na kailanma'y walang makakaalam.
Sa pagdating ng panahon, kung ang buhok ko'y tuluyan ng maging purong itim, ito na rin ang magsisilbing aking katapusan.
Ito ang sumpa na ibinigay sa akin, sobrang hirap tanggapin, lalo na ang kamatayang saglit ko na lamang hihintayin.
Ako si Yna, Ynasienne Scrineau, ang kaisa-isang prinsesa ng kaharian ng Poisicrias at kaisa-isang prinsesa rin na nakatanggap ng itim na sumpa.
YOU ARE READING
My Devilish Eyes Without Tears
FantasySa kaharian ng Poisicrias, mayroong masayang pamilya. Ito ay ang pamilyang Scrineau na binubuo ni Haring Siordo at Reyna Yannima at ang kanilang kambal na anak na si Ynosiann at Ynasienne. Ang kanilang anak na si Yna ay may natatanging kapangyarihan...