From your forever Dy

7 0 0
                                    

Kumusta ka? Sana ayos ka lang. ingatan mo sarili mo palagi, hmm? I'm sorry kung gagawin ko 'to sayo. I'm sorry My kung masasaktan na naman kita. Alam ko kahit hindi mo sabihin, ako rin ang dahilan ng kalungkutan mo. Hindi ko mabigay lahat pero masaya akong sinabi mong masaya ka na sa kung anong meron ako, kung paano kita napapasaya at iba pa. Sorry kung makulit ako, kapag napipikon ka masayang masaya ako pero mas natutuwa ako kapag sinasabi mong mahal mo ako. I love you. Minsan nakikita ko ang mga shared post mo na hindi ka confident kung anong meron ka. My, kahit ano pang makita mo sa iba... wag na wag mong ikukumpara sa sarili mo kasi ikaw na nga mismo ang nagsabi na iba ka sa kanila. Sorry kung masasaktan na naman kita ngayon. Sorry kung gagawin ko 'to. Sorry kung dito mo lang mababasa. Sorry kung hindi kita kinausap. Sorry sa mga nagawa ko, My. Sana mapatawad mo ako balang araw. Let's... break up. Sobrang kapal ko na siguro kung aaminin kong masakit sa akin 'to. Masakit sa akin 'to kasi alam kong mas doble ang sakit nito sayo. I have my reason, sorry. Sorry, sorry, sorry... Kasalanan ko lahat. Promise me na hindi mo pababayaan ang sarili mo. Promise me na mag-iingat ka, na kakain ka sa tamang oras, na hindi ka susuko kahit ano pang mangyari. Sorry kung hindi ko matutupad ang gusto mo na umabot sa 2021. Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko pero sa lagay ko ngayon hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod pang mga araw. Kapag may problema ka, pwede ka pa rin namang mag message sa akin para maglabas ng sama ng loob. Kahit na hindi ko mabasa, I will still pray for you and your future. Kung ayaw mo akong i-message tingin ka na lang sa buwan. Lagi akong nakatingin sa buwan pag alas syete. Isipin mo na lang ako yon at ganon din ang iisipin ko, iisipin kong ikaw yon. Kahit na sinasabi nilang sobrang kamalasan na ang 2020, for me... you're the blessing this 2020. Happy 8th monthsary, My. For the last time na babatiin kita ng ganito sobrang sakit. Don't close your heart dahil lang sa akin. Alam kong may dadating na para sayo talaga or kung hindi malay mo... love moves in mysterious ways. Always pray, pray, and pray. Maging masaya ka lagi. Wag na wag kang papatalo sa lungkot, hmm? promise? Wag kang mag alala sa akin, magiging okay ako basta ipangako mo sa akin na magiging masaya ka, magiging matatag ka, at mag-iingat palagi, hmm? okay? Please, promise me na magpapakatatag ka kahit anong mangyari and I will promise you na magiging okay ako. Take care, be strong, be safe, don't be sad, smile always beautiful... I love you.

From your DyWhere stories live. Discover now