His day

9 2 2
                                    

Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga ka-grupo kong sina Josh, Sejun, Stell at Ken. Nagkasundo na naman ang mga sinto-sinto na 'to. Ako lang ang inutusan nilang kumuha ng payong. Bumili kasi kami ng barbeque para maging ulam sa hapunan nang biglang bumuhus ang malakas na ulan. Ayaw magpabasa ng mga kumag na 'to kaya ako ang pinagkaisahan.

"Bunso ka, makinig ka sa nakakatatanda sayo, " parang boss na naman kung makapag-utos itong si Josh. Ganun talaga siya, tsaka lang aakuin ang pagkamatanda kapag may iuutos.

"Sige na Jah, hardworking pureboy ka diba?" dagdag din ni Sejun habang pinipigilan ang pagtawa.

"Parang wala naman kayong awa mga dre,  malakas ang ulan, alam nyo ba yun? Baka mabasa si Jah," sabi naman ni Stell.

Maniwala na sana akong concern siya at iba sa lahat, pero kilalang-kilala ko na ang tunay na pag-uugali ng mga 'to.

"Hahaha, " si Ken na puro tawa na naman ang ambag. Ito nalang kayang manok na to ang kumuha ng payong? Tingnan natin kung mabilis siyang makabalik sa galing niya sa direksyon.

Blag! Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Sejun. Minsan talaga si pinuno parang hindi lider. Pahamak!  Sarap bigwasan!

"Jah, may naka payong. Makisukob ka nalang!" sigaw ni Stell na nakaturo sa nakayukong babae na may bitbit na payong.

Naku naman! At ngayon, gagawa na naman ako ng isang bagay na kahiya-hiya. Wala na di naman akong choice kasi nababasa na ako ng ulan.

"Miss, pwede pasukob ng payong mo?" sabi ko ng dahan-dahan kasi baka hindi papayag.

Dahan-dahang tumingin sa akin ang babae mula sa kanyang pagyuko.

Si Sharlene! Buti nalang napigilan ko ang sarili kong ma-shock. Kaya pala tawang-tawa ang mga unggoy!

"Oh,  sige, " sagot ni Sharlene na parang na shock na tumingin sa akin. Sino ba kasing gago ang magpabasa ng ulan saka susukob. Ako lang naman ang gagong yon!

"Salamat... " at dumating ka sa buhay ko.  Pero siyempre hindi ko na isinatinig iyon. Salamat lang ang sinambit ko at napangiti sa naisip. Naku naman!  Para na akong tanga ah!

Itinaas niya ang payong upang magkasya ako. Nakataas na ang kamay niya kasi medyo matangkad ako.

"Ako nalang... ang hahawak... para di ka... mahirapan," pautal kong suhestiyon kasi natatawa kahit naaawa ako sa kanya. Ang cute niya kasing tingnan habang nakataas ang kamay. Kahit ano naman gawin niya ang cute at ang ganda pa din.

"Sige," sagot naman ni Shar.

Huminahon ako ng kunti kasi naman baka akalain niya pinagtawanan ko siya at hindi ako gentleman.

"Ha?" tanong ko kasi nakangiti siya. May sinabi ba siyang hindi ko narinig?

Gusto na pala niyang lumakad na.

Nakakaestorbo ba ako?  Baka ayaw niyang nakisukob ako dito. Baka napilitan lang siya kasi nakitang basa na ako. Tinignan ko si Shar. Para akong naiihi ah. Para akong mangingisay dahil natignan ko siya nang malapitan.

Parang ayaw ko nang matapos ang gabing 'to. Mula bata palang crush ko na si Sharlene. Noon, sa malayo lang ako pwedeng tumingin, hindi ko akalain na ganito na kami kalapit ngayon. Tinignan ko ulit siya.

"Okey ka lang? " sabi ko. Napansin ko kasing nababasa ang kaliwang balikat niya sa ulan.

"Okey lang ba na lumapit ako ng kunti?" dagdag ko.

"Ah.. sige, " sagot niya naman ng seryoso.

Nagalit ba siya? Baka akalain niya napaka presko kong tao at nagtake advantage ako sa situation namin.

Ang malas pa naman kasi nasa tapat na kami ng boarding house ko.

Ano na ngayon Jah?

Ano na ang sasabihin mo?

Napakatorpe naman kasi. Sana pala nagpaturo ako ni Sejun, romantic yun eh,  ang dami ngang nasulat na kanta. O di kayay,  ni Stell,  magaling yun mambola at magpafall ng a'tin. O di kaya'y kay Ken, sabi niya kasi sa isang live 'di siya torpe at sinasabi niya lahat ng naramdaman niya. Basta 'wag lang sa mga pick-up lines ni Josh. Baka ako naman ma bash!

"Maraming salamat...  Shar...  ahm.. Justin nga pala.. Jah tawag sa akin ng mga ka grupo ko.. pwe.. pwede .. yun na din tawag mo sa akin..ku.. kung.. okey.. lang," pautal-utal kong sambit.

Tingin ko mahihiya talaga sa akin si Kuya at si Diko. Ang torpe ko kasi. Nakakahiya!  Ako nga nahihiya sa sarili ko. Sila pa kaya!

"Bye... " sabi ko at tumakbo.

Sarap maglaho mga Dre! Iuntog ko kaya 'tong ulo ko sa pader!

Sapat na ba yung nalaman niya ang pangalan ko?  Nakakahiya talaga.

Sige na nga self! Atleast diba nakilala ka na niya. 'Di ka na nobody, finally.


If walking in the rain means
I got to know you...
I'm more than willing.

#pasukob
#crush

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MydayWhere stories live. Discover now