"Ilang Buwan na kayong mag-MOBY pero MOBY lang talaga kayo? Ano yun Baliwan? Iba na yan!" satsat ni Crystal.
"Tal, Promise MOBY ko nga lang siya!" sabi ko.
Pero napairap ito bagkus inalog-alog ang balikat ko.
"Ne, Kahit mangako ka sa'kin o sa mga kung sino-sino man yan! Hindi lang kayo basta MY ONLY BUDDY! Di porket ikaw nag-sabi na Moby lang kayo pero sa mata ng tao ay di na kayo mag-buddy lang noh!"
Ako naman ngayon ang napairap Hindi ko kailangan ng opinyon ng iba?! Ang kailangan ko opinyon ng MOBY ko. Tss.
"Tal, Sino ba kinakampihan mo? Yung mga echosera o Ako?" tanong ko.
Medyo napipikon na ako eh! Alam niya pa naman na hindi ako pasensyosong tao.
"Ikaw!" sagot niya.
Napabuntong hininga naman ako.
"Edi yun pala eh! Hayaan mo na lang sila!"
At binaling ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro.
"Kung hahayaan ko sila. Sinong magtatanggol sayo?"
"Tal, Sorry na. Pero alam mo namang kaya kong magtanggol sa sarili ko." sabi ko.
Tumango na lang siya at yinakap ako.
"Inaalala lang kita. Bespren tayo di'ba? Sabihin mo kung meron ka talagang nararamdaman para diyan sa MOBY mo. Kung Wala edi wala! Basta Ako lagi ang unang takbuhan mo ah!"paninigurado niya.
"Oo na po." tanging wika ko.
Laging panalo sa debate itong si Tal-tal kaya ayoko nang makipagtalo.
A
Siya ba naman kasi ang Presidente ng Debate Club, ano pang panama ko diyan diba? Hay Nako!Nagsimula na lang akong magsagot sa libro na binabasa ko. May exam kami mamayang hapon at itong si Tal-Tal ayaw magpaawat sa mga Sermon! Tss.
"Psst. Paano ba itong #4 ang hirap eh!"
"Ay Sus Maria!" tanging wika ko. Tapos na kasi ako sa Chemistry, Eh siya nagsisimula pa lang. Tss, Inuna pa kasi ang panenermon.
Tinuro ko na sa kanya kung paano makuha ang sagot. At buti naman nakuha niya agad.
"MOBY!" sigaw ng boses lalake.
"Wuy!" nakangiti ko siyang binati. At lumapit sa kanya.
"Ehem!" tikhim ni Tal-Tal.
Urgh! Panira 'tong si Tal! Kainis! Badtrep!
"Moby, kumain ka na?" tanong niya sa'kin.
Tumango ako bilang tugon.
"Bakit? Ikaw kumain ka na?" tanong ko.
Umiling siya bilang sagot.
"Samahan mo ako please!" at nagpaawa-effect pa ang loko.
Pero sa huli ay sasamahan ko naman,
Nag-lakad na ako paalis ng garden at sasamahan sana si Marco.
"Hoy Ne! Di pa tayo tapos !" sigaw ni Tal-Tal.
"Wait lang! Pakainin ko muna 'tong lokong 'to!"sagot kong pabalik.
"Hindi ka naman niyan nanay para subuan o kaya pakainin!"
"Tal, Sasamahan ko siya? Tapos na ba?" tanong ko.
Kahit kailan talaga, Nakakapikon si Tal-Tal! Ang O.A Hindi naman ako mawawala eh! Pupunta lang akong cafeteria para samahan si Moby ko.

BINABASA MO ANG
MOBY
Romance"Ilang buwan na kayong mag-Moby pero Moby pa rin tingin mo sa kanya?! Ano yun Baliwan?!"