Chapter 18

25 23 4
                                    

Friends

"Bat ngayon kalang umuwi kuya?" Tanong sakin ni Gie ng maabutan nya akong paakyat sa kwarto ko. Pasado alasais na ng hapon at kagagaling ko lang sa school.




"May ginawa lang ako." Simpleng sabi ko. Tinignan nya ako ng nagtatakang tingin.




"Something important." Nginitian ko sya bago ako umakyat sa kwarto ko.




Pabagsak akong humiga sa kama ko at napapabuntong hiningang tumitig sa kisame.




I hope umayon sa lahat ang plano ko.




Nakipagtitigan pako sa Kisame bago ko naramdamang onti-onting sumasara ang mga mata ko dahil sa pagod.




***

"Kuya bangon na, tanghali na uy." Ramdam kong pagyugyog sakin ni Gie.




"Uhm 5 minutes." Paungol na sabi ko at tinalukbong ang kumot sa mukha ko.




"Kuya naman 9:35 na at late na tayo sa school." Pagmamaktol nya, tatalikuran ko sana sya, ng maging malinaw sakin ang sinabi nya.




Nanlalaking mata akong bumangon sa higaan ko, tinignan ko ang orasan na nakasabit malapit sa pinto ko at sunod kong tinignan ang kapatid kong naka pangtulog pa habang nakangise sakin.




Masama ko syang tinignan ng mapagtanto kong gumanti sya sa ginawa ko noon, 7:30 A.M palang ng umaga, dahan-dahang akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa kanya. Kinakabahang umatras sya habang patuloy akong lumalapit sakanya.




"Uy J-joke lang k-kuya hehe." Kinakabang sabi nya, gusto ko sanang matawa dahil sa reaction nya, pero pinigilan ko at mas lalong binigyan sya ng masamang titig.




"S-sorry kuya, g-gumanti lang ako sayo." Nagkakanda utal-utal na sabi nya.




Nanlalaki ang mata nya ng bigla ko syang hilahin at kilitiin, napahiga tuloy sya sa lapag ng hindi sinasadya.




"Joke pala ah." Sabi ko habang patuloy na kinikiliti sya.




"Hahahahaha, ku.. hahaha, ya... hahahaha, tama na..." Natatawang sabi nya pero diko sya pinakinggan at mas lalo syang kinaliti.




"Please..Hahahaha..tama na... hahahah... kuya..." Tawang-tawang sabi nya. Tinigilan kona dahil halatang hindi na nya kaya, natatawang iniwan sya doon at pumasok sa comfort room para gawin ang morning routine.




Pagbaba ko ang sama ng tingin sakin ni Gie, katulad ko nakabihis narin sya ng uniform.




"Good morning my little cute sister." Mapang-asar na sabi ko pagkalapit sakanya bago sya halikan sa ulo nya.




"Tss, morning." Nakabusangot na sabi nya.




Hanggang ngayon diparin umuuwi sila mom, I guess 1 or 2 months silang mag i stay doon sa ibang bansa.




"Yaya Melda, tawagin mo na ang lahat ng kasambahay, body guards, at si Chef Franz." Utos ni Gie sa Mayordoma namin dito.




Simula ng wala dito sila mom at dad, lagi nanaming kasabay kumain ang lahat ng tao dito sa bahay.




"Oo nga pala kuya, bat ka biglang umalis kahapon sa Cafeteria?" Biglang tanong ni Gie habang kumakain kami, napatingin sakin sila yaya Melda.




Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now