Prologue

133 54 24
                                    

PROLOGUE;

Naranasan muna bang tumulong sa ibang tao tapos sa huli ikaw pa 'yong may kasalanan? Na imbes na magpasalamat, galit pa sila sayo? Imbes na tumulong ka, nagmukha ka pang masama, naranasan niyo na ba yon?



Kasi ako? Oo.




Katulad na lang ngayon. May nakita akong isang lalaki na nasa likod ng isang dalagang maiksi ang suot. Nandito ako sa pinaka-likod kaya kitang-kita ko kung anong nangyayari sa unahan. Kung anong ginagawa nung lalaki sa babae.




Susubukan sana ng lalaki na hipuan ang dalaga na ngayon ay walang malay sa ginagawa ng manyak sa likuran niya. Kaya ang ginawa ko binato ko ang lalaki ng bottled water ko na may laman pa pero sa puwit nung babae iyong tumama. Nagulat ang manyak sa nangyari at nagmamadali itong umalis. Lumapit ang babae sakin bitbit ang bottled water.





"Did you throw this at me?" nag-e-English pa si tanga!




Nakaupo lang ako at hindi siya sinagot. Nakataas ang kilay nitong humarap sa akin. Hindi pa niya ibinalik ang bottled water ko.




"Did you do it on purpose?" tanong nya.




"Yep," sabi ko.





Binuksan niya yung bottle at binuhos sakin yung tubig hanggang sa maubos.



"'Yan bagay sa mga mataray na pangit na katulad mo, just hope we don't see each other again." banta nya bago malakas na tinapon ang bottled water sa mukha ko.




"Don't worry, miss. There's no "again" in my library." sabi ko at tumayo na at nilagpasan siya.



Mahirap na kasi baka di ako makapag timpi mag away pa kami ni tanga dahil lang sa tubig.


See? I'm always misunderstood by someone. Kahit na ikaw yung mabait na handang tumulong ikaw pa yung napagkakamalang may masamang intensyon.


This is my life as you know I don't like spending my time on boring people. Mas gusto kong lagi akong tulog o kaya mag pakalunod sa orange juice which is my favorite drink. And my life? I don't even have a plan. Sumasabay lang ako sa agos ng aking tadhana at hinahayaan ang sarili ko na piliin kung anong tama.



Let's start kung saan hindi pa ako isang pangit at mataray na tao, kung saan napaka bait at linis ko sa aking sarili, kung saan pinag-aagawan ka na dahil sa ca-cute cute ng itsura mo. This is it! The one who is the real me nung hindi pa sya dumating sa buhay ko kasi nung dumating sya unti-unti nag babago ang lahat.

Lovely YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon