Chapter 02

6 0 0
                                    

"Kumusta?" Lucas asked nang makarating na ako sa classroom.

"It went well" I answered back.

Kaming magkakaibigan, hindi talaga kami vocal sa isa't isa. We find it cringe kaya ayon. Just a small "kamusta?" automatically nagtatanong na kung did it went well? Okay ka lang ba?

It was already 5 pm when we finally wrapped up the event kaya uwian na rin nang makarating ako sa classroom. Yung natira sa quadrangle is sila Abby nalang at yung friends na kausap niya kanina.

"Lucas at Inigo saan kayo?"

"Bebe time" they answered in chorus.

I rolled my eyes. "Mauna na ako ah." Paalam ko habang sinusuot yung mga bag na dala ko.

"Sige. Ingat Sey!"

"Yeah yeah bye!" I said as I waved at them and dashed out of our classroom.

Lumabas na ako sa classroom at habang naglalakad, nag-text ako kay Papa na pasundo na ako. Lucas has a girlfriend already so does Inigo. Ewan ko lang sa kay Iñigo, hindi pa ata official so bale ako lang yung single sa amin. Nakakatawa minsan, pero kapag kasama naman nila yung mga lovers nila hindi naman ako masyadong na-a-out of place kasi mga kaibigan ko pa rin din naman ang yung mga jowa nila.

Nang makalabas na ako campus, nag-antay na ako sa waiting area. Hindi naman ako nahihiya kina Papa, some of my classmates and schoolmates are being fetched with brand new cars and some are just simple ones like me and some nagco-commute. Although iba iba kami ng social status never naman naming pinapadama na mas mababa ako sa kanila o mas mataas kami sa iba.

"Seah!" Liningon ko yung tumawag sa akin.
It was Dean, ka-dorm nina Lucas. Medyo close kami kasi magkaklase kami noon at kami itong dalawa na palaging thirdwheel kina Lucas eh. Kaya minsan kami nalang dalawa yung nagsasama.

"oh?"

"uwi ka na?"

"Obvious" sabi ko ng pabara. Nagulat nalang ako ng hinampas niya ako ng portfolio niya.

"Aray!" sigaw ko.

"Sorry, sorry" bawi niya naman agad.

"Sabi ni Carlo di raw muna siya sasabay nang uwi"
Ah oo nga si Carlo pala nakalimutan ko.

"Iyon lang?" tanong ko.

He nodded. "Kain muna ako"

"Sama ako" sabi ko naman.

"Libre mo ko!"

"Wala akong pera Dean"

"Ako nga eh! Ubos na allowance ko" reklamo niya.

I just ignored him and crossed the road, pumunta kami sa bandang may nagtitinda ng street foods. Suki na ito ng mga estudyante rito after classes eh. Dean asked for kwek kwek, while tempura naman yung sinabi ko kay Manong. Nag-antay muna kami hanggang sa maluto yung pina-luto namin

Dean was just asking me what happened during the talk, I just answered him. I also asked him what happened while I was gone the whole day. Although hindi kami magkaklase parehas lang naman yung mga ganap sa academics.

As we was talking and laughing, I saw that weird guy kanina yung biglang nagsasabi ng type niya raw mata ko. He was leaning on a black car and typing something on his phone. Hindi ko alam ano model, hindi naman ako mahilig sa mga sasakyan.

Maya't maya pa ay may dumating na mga kaibigan niya rin ata, mukhang mayayaman. Dean noticed ata na I was looking at something behind him kaya lumingon siya sa kung saan ako nakatingin.
"Bakit? Ano meron? Sino yan sila?"

The Fortuitous One: UnfoldedWhere stories live. Discover now