Aoi's POV
"It's getting late. Ihahatid na kita sa dorm. These guys will stay overnight." I said after checking the time.
"Hindi na. Kaya ko naman magcommute." she refused while fixing her things.
"I insist"
"Gabi na. Baka kung mapano ka pa sa daan." dugtong ko pa saka tumayo.
"Ihahatid ko lang si Nicole." baling ko kina Aya.
"Eeeh, uuwi ka na Nicole? Dito ka na lang matulog!" wika ni Akane. Tumayo siya at kumapit sa braso ni Nicole who automatically frowned.
"May pasok pa siya bukas." sagot ko.
"Tayo. May pasok pa tayo bukas." aniya na may diin sa tayo.
"Ah, yeah. May pasok pa tayo." I said while mimicking her tone. Pinanliitan niya ako ng mata.
"Don't tell me hindi ka papasok bukas?" aniya. I just stared at her kaya bumuntong hininga siya.
"Come on." yaya ko.
"Blue, ingat ka sa mga gagawin at sasabihin mo ha? Baka kung anong isipin niyan. Assumera pa naman 'yan." wika ni Midori na nakahawak pa sa balikat ko.
"Argh!" he groaned nang hampasin siya ni Nicole.
"Makahampas, akala mo naman hindi talaga assumera." wika ni Midori na halatang inaasar si Nicole.
Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate ng dorm. I pretended that I already leave but the truth is I stayed at the nearest street. I left when I confirmed na nakarating na siya sa room nila. Hailey is already in there. I can sense her.
What's your intention Hailey? Do you plan on hurting Nicole? Or are you just keeping her safe?
****
"Alright! We're ditching today's class!" masiglang wika ni Midori.
"You look so happy." wika ko.
"Oo naman. Sawang sawa na ako mag aral." sagot nito.
"Hindi mo naman sineseryoso ang pag-aaaral ngayon." wika ko.
"Yeah! Of course! Hindi ko naman kelangan seryosohin dahil nasa mission lang naman tayo. Ikaw naman masyado mong ginagalingn sa klase, marami tuloy babaeng nagkakagusto sa'yo dahil alam nilang matalino ka" napa iling iling lang ako sa mga sinabi ni Midori.
We're ditching classes today because we're going to investigate something. Kami lang ni Midori ang magkasama dahil si Bea ay binabantayan si Nicole.
Madeline has an eye on her. She said there is something special about her. I don't know what it is, but I got some hint since napapansin ko iyon sa tuwing kasama ko siya. But I'm not sure yet. And I don't really think it's possible.
Bea is also keeping an eye on Hailey since we can't trust her for the time being, hangga't hindi namin alam kung sino ba talaga siya.
Midori and Bea are suspecting her to be a member of some organization and on a mission. They are thinking that her mission is Nicole. Something's off about her. Her aura is calm but I can sense something else.
"Pagtawanan kaya nila tayo kapag tinanong natin sila sa mga bagay na sa tingin nila ay hindi totoo?" wika ni Midori habang nakatingin sa mga taong nakatayo sa gilid ng kalsada.
"Let's try." wika ko saka kami lumapit sa mga taong iyon.
We just stand near them and pretended that we're talking. Mukang hindi na kami mahihirapang magtanong dahil ang pinag-uusapan nila ay ang iniimbestigahan namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Black and White
Siêu nhiênSecond Sight book 2. Si Nicole ay kilala sa buong campus hindi dahil sa gusto siya ng mga tao kundi dahil binansagan siyang isang "delinquent." Si Hailey, isang dalagang galing sa mayamang pamilya. Ang tanging kaibigan na itinuturing ni Nicole na la...