Tuwing darating ang sabado tuwang-tuwa kaming magkapatid kasi lalabas na naman kaming pamilya. Mag gagala sa mall, mag aarcade at pag napagod, kakain… Minsan kumain kami sa McDo, napatapat ako sa may glass wall, nakikita ko ang labas malapit sa may kalsada… may napansin akong matandang pulubi, nangangalkal ng basura, naghahanap siya ng tirang pagkain, at mukhang gutom na gutom …. Nabaling ang atensyon ko nang dumating ang aming pagkain… pagkatapos naming kumain, may nakita akong tira sa pagkain ng kapatid ko kaya ipinaabot ko ito pagkatapos lumabas na kami. Habang hinihintay namin si Papa sa may parking area, biglang lumapit sa akin ang nakita kung matandang pulubi habang kami ay kumakain sa loob ng mcdo, humihingi ng limus, ang sabi ko sa matandang pulubi, wala po akong pera o anumang barya sa bulsa ko, ito nalang pong dala kung pagkain. Pagkatapos kung ibigay sa matandang pulubi ang dala kung pagkain nakita ko ang mama ko na ngumiti sa akin na nag sasabing tama ang ginawa ko.