Pulubi

52 0 0
                                    

Tuwing darating ang sabado tuwang-tuwa kaming magkapatid kasi lalabas na naman kaming pamilya. Mag gagala sa mall, mag aarcade at pag napagod,  kakain… Minsan  kumain kami sa McDo, napatapat ako sa may glass wall, nakikita ko ang labas malapit sa may kalsada… may napansin akong matandang pulubi, nangangalkal ng basura, naghahanap siya ng tirang pagkain, at mukhang gutom na gutom …. Nabaling ang atensyon ko nang dumating ang aming pagkain… pagkatapos naming kumain, may nakita akong tira sa pagkain ng kapatid ko kaya ipinaabot ko ito pagkatapos lumabas na kami.  Habang hinihintay namin si Papa sa may parking area, biglang lumapit sa akin ang nakita kung matandang pulubi habang kami ay kumakain sa loob ng mcdo, humihingi ng limus, ang sabi ko  sa matandang pulubi, wala  po akong pera o anumang barya sa bulsa ko, ito nalang pong dala kung pagkain. Pagkatapos kung ibigay sa matandang pulubi ang dala kung pagkain nakita ko ang mama ko na ngumiti sa akin na nag sasabing tama ang ginawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PulubiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon