Story 1

51 5 1
                                    


Haiz..

"Ang lalim naman nun?" biro nung katabi niya.

"Ay,  kalabaw!!"

"Awts,  ganun na ba ako kapangit??" pagbibiro nito.

"Ikaw naman kasi nanggugulat ka.." panenermon niya.

"Ako nanggulat eh kanina pa kaya ako dito sa tabi mo."

"Weh.."

"Oo nga, tulala ka lang kaya di mo ko napansin na dumating," pagpapatuloy nito.

Tumingin siya ulit sa malayo at bumuntong hininga.

"Ano ba kasing problema mo?" usisa nito.

"Wala," tangi niyang tugon.

"Eh bakit ganyan ka na lang makabuntong hininga kung wala???" pangungulit nito.

Humarap siya sa katabi.  "Pa'no kung mawala ako sa tabi mo, okay lang ba?" seryoso niyang wika.

"Oo naman!!!" mabilis niyang sagot.

"Imagine kapag nawala ka..

wala ng mag-uutos sa akin ng bili mo nga ako ng ganito,  ganyan..

tapos wala ng mangungulit sa text na puro best.. lang ang laman..

wala na ring magpapasundo sa malayo ng dis oras ng gabi dahil wala siyang masakyan.

Ang saya kaya ng ganun.." paglilitanya nito.

"Tama," sabay bigay ng matamis na ngiti.

Muli itong tumingin sa malayo.

"Bakit mo nga pala naitanong yun?" pag-uusisa niya.

"Wala lang.." sabay tayo at pagpag ng damit.

"Tara uwi na tayo," pag-aaya nito.

At naglakad na sa unahan niya.

"Uy.."

"Hannah!"

"Uy, nagalit ka ba sa mga sinabi ko???"

"Huh?  Bakit naman ako magagalit?"

"Dahil dun sa mga sinabi ko," kimi niyang sagot.

"Hanz di ako galit, ok?" sabay ngiti

"Pagod at gutom mana pa.." sabay tawa.

"Okay."

"Hatid na kita pauwi.."

"Okay lang.. may dadaanan pa kasi ako kaya mauna ka na.."

"Samahan na kita.."

"Wag na, kaya ko naman.."

"Saglit lang naman yata yun eh."

"Its okay I can manage.."

"Sure??"

At tumango si Hannah.

"Text or tawag ka lang kung wala kang masakyan okay, susunduin kita."

Tumango muli ang kausap.

At umuwi na nga si Hanz.

Sa kabilang panig,

"Ano wala ka na bang gusto pang sabihin sa kanya?"

"Ayos na yun, mainam ng hindi niya alam.."

"Tandaan mo kapag umalis tayo wala ng balikan.."

"Alam ko.."

"Oo nga pala, salamat kasi pinayagan mo kong makausap siya kahit saglit," sabay ngiti.

"Wala yun.." sabay tingin sa malayo.

"Ayoko naman kasi talagang umalis kaya lang.." kumawala na ang mga luhang kanyang pinipigil kanina.

"K-kaya lang.." at napaupo na siya habang umiiyak.

"Ang sabi ko kasi sa'yo sabihin mo na!!! Bakit di mo sinabi sa kanya?!?!" sigaw niya kay Hannah.

Tumigil si Hannah sa pag-iyak at..

"Because I made a promise...

and...

I don't want him to remember the complaint that I always said to him..

"PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN"

"Halika na, oras na.."

"Ikaw ba di ka man lang ba nalulungkot kapag ginagawa mo ito?"

"Hindi.." pagal niyang sagot.

"Ano nga ang pangalan mo?"

"Marami akong pangalan but what i want to be called most of the times is..

DEATH."

If Only...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon