Story 2

31 4 0
                                    

"Mia bilisan mo na anak ang kilos mo malelate ka na.."

"Bababa na po!"

"Kumain ka na muna nito,"

"Ma next time na lang po male-late na kasi ako.."

"Pero.."

"Bye 'ma," sabay halik at kaway palayo sa ina.

Kumaway na lamang din siya pabalik.

Napabuntong hininga ang ginang habang nakatanaw sa dalaga.

"Napakabusy naman pala ng anak mo."

"Hindi naman masyado, finals kasi nila ngayon kaya nagmamadali yan," at pumasok na muli sa bahay upang magligpit.

"Sa totoo lang napakabait ng batang yan.."

Habang naglilitanya ang ginang ay tinitingnan naman ng kausap ang mga larawan sa sala.

"Palagi nga siyang kasama sa honor kaya wala na kong mahihiling pa.." ngunit bigla siyang natigilan.

"Sigurado ka bang wala ka ng mahihiling pa??" tanong ng kanyang kausap.

"Pwede bang bukas?"

"Hindi.." madiin na sagot ng kausap.

"Kunsabagay ganito naman talaga ang mangyayari hindi ba?" at nagpatuloy ang ginang sa kanyang ginagawa.

"Sige hanggang mamaya..  hanggang doon na lamang.." tipid nitong sagot.

"Maraming salamat," sabay yakap sa kausap.

Nagulat man ang kausap ay hinayaan na lang ang ginang.

Kinagabihan,

"Anak may problema ba?" usisa ng ina.

"Babagsak po yata ako sa finals namin," mahina nitong tugon.

"Hindi naman siguro..

nakita ko kung gaano ka nagpuyat kagabi, hindi ba?

Umaga ka na nga rin halos natulog sa sobra mong pagsuaunog ng kilay," paglilitanya ng ginang.

"Si mama talaga," sabay yakap ng mahigpit sa ina.

"Oh bawal ang umiyak papangit ka niyan," sabay haplos sa mukha ng dalaga.

"Pangit na nga papangit ba.." panunukso ng ina

"Tama!!!"

At nagkatawanan na lang ang mag-ina.

Maya-maya pa'y tumunog ang telepono.

Sinagot ng ginang ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay..

"Anak, may aasikasuhin lang akong importante.." sabay talikod at pasok sa kwarto upang magbihis.

"Ano po iyon 'Ma?" usisa ni Mia.

"Importante lang talaga anak..  mamaya ko na sasabihin,  okay?" sabay yakap kay Mia.

"Si mama naman may secret pa.."

Natawa ang ginang at hinagkan ang dalaga sa pisngi.

"'Ma di na ko bata,  halik ng halik.." sabay tawa.

"Ikaw talaga.. basta lagi mong tatandaan kahit malaki ka na di ako magsasawang yakapin at halikan ka," sabay ngiti sa anak.

"Wag ka nga magsalita ng ganyan 'ma.."

"O sige na anak, mauuna na ako..

Alam ko naman na kaya mo na.." litanya ng ginang.

"Opo 'ma,  ako pa!" sabay ngiti at pacute sa ina. 

Hindi malaman ng ginang kung paano siya aalis.

"Hindi mo ba mabuksan 'Ma?" tanong ng dalaga ng makita itong nakahawak pa rin sa seradura ng pinto.

Humarap ang ginang at..

"Mahal na mahal kita anak!" sabay bukas at walang lingon na umalis.

"Ang weird naman ni Mama.."

"Siguro naman makakabalik siya mamaya.."

"Dahil diyan ipagluluto kita 'Ma ng favorite mo!!!"


Sa labas..

"Sigurado ka bang di mo sasabihin sa kanya?"

"Hindi na..  mas mahihirapan lang siya kapag nalaman niya.."

"Pero.."

Niyakap siya ng ginang at..

"Alam mo bang mas nahihirapan ang kalooban ng isang magulang kapag nakita niyang nahihirapan ang kanyang anak."

Hindi ito nakasagot.

"Wala ka bang naging magulang?" tanong ng ginang sa kanya.

"Wala." tipid nitong sagot.

"Marahil malungkot ka," at niyakap siyang muli ng ginang.

"Maraming salamat sa huli mong regalo...

ANAK."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Only...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon