Chapter 4

23 3 2
                                    

Maycee's POV

"Gusto mong sumabay?" Tumingin ako sa nagdadrive... yun yung vice president ng society... gusto ko sanang umoo para libre na sakay ko kaso nakita ko yung mokong.tss

"Di Ok lang po ako." Ayaw kong makasama yung president na yon.

"Pero gabi na." sabagay, pero hindi ayaw ko pa din.

"Di ok lang malapit lang naman bahay ko dito." Kaya ko maglakad

"Kung ayaw, wag nang pilitin." nakikisabat ba tong lalaking to.

"Tss."

"Baka mamaya may mangyareng masama sayo dyan." woooh.. di wala naman siguro.

"Ok lang ako. Nakakahiya naman po sa kasama nyo baka naiinip na." Kahit kailan talaga nakakabarino tong lalaking to.

"tss."

"Sige alis na kami. Mag-iingat ka na lang."

"Salamat. Bye."

Arrggggg.Ayoko ko talaga sa ugali ng lalaking yun. Akala mo kung sino.

... 

AISHHH. Yabang talaga nung lalaking yun. Di talaga ako makapaniwalang presidente yun ng society namin. Siguro nadala lang yun ng kayabangan nya. grrrrrr.

'don't drop that tun tun' ringtone ko po yan. Uso ee.

gusto ko sanang tapusin kanta kaso baka magalit si kane pag di lo sinagot.

"Hello."

"Nasan ka? Sino kasama mo?" wow ha. wala man lang hello.

"Andito sa kalye naglalakad at wala po ako kasama."

"HA!!! BAKIT?" kailangan pasigaw.

"Anung bakit, syempre pauwi na ako." mga tanung nito.

"Oo nga. Pero di ka man lang ba hinatid ng future daddy ng baby mo."

"KANE! Anung future daddy sinasabi mo."

"Si Glen." arrg kailan ba titigil tong babae to.

"Nasisiraan ka na ba?, bat naman nya ako ihahatid." yung mayabang na lalaking yun. tss.

"Oh! diba magkasama kayo sa meeting. Di ka man lang ba nya inalok na ihatid, gabi na kaya." yung mokong na yun ihahatid ako? tss. pero teka....

"Bat mo alam na magkasama kami sa meeting?"

"Kasi sya yung President ng society."

"Alam mo na sya yung president?"

"Oo." alam nya pero di man lang nya sinabi sakin.

"Wait, kaya ba pilit mo kong ninominate bilang first representative." so, plinano na nya to. "Anu kane! tama ba hinila ko?."

"ah-e. Naku Maycee tawag na pala ako ni Dad. bye. kita kits na lang tom."

"Wait. Kane...hello. Arggggg." pinagbabaan ako.

Grrrrrrrrrrrrr.

"Oy,miss*hik* ok*hik*ay ka*hik* lang ba?" oh no.

"Okay lang po ako." Oh my gosh. Ito na ba yung pag sisihan ko na hindi ako sumabay kanina.

"Miss mukhang may kaaway ka ata, andito naman kami ee reresbakan natin kaaway mo."

"Oo*hik* nga" sh*t mga lasing na sila..

"Naku, wala naman po akong kaaway. Sige po alis na ako." kailangan kong makaalis na dito.

"Teka miss. Ikaw na nga tong tinutulungan e."

"Di ko kailangan ng tulong nyo."

"Aba, pre mukhang matapang to"

"Bitiwan nyo ako." oh Lord tulungan nyo po ko.

Kailangan ko gumawa ng paraan para makaalis dito kung gusto ko pa talagang mabuhay. Tama I'll kick him where it hurt the most.

"ARAAAAAAYYYYYYYY" sh*t ayaw pa din ako bitawan.

"IKAW!!!" Napapikit na lang ako at hinantay na lumapat ang suntok sa mukha ko.

BOOOOOOOOOGGGSSHHH.

"TAKBO NA" ha. anu daw takbo na?

"tss. Tara na bilis. Bago pa makatayo yung dalawang lasing na yan." ha, teka...anu bang nangyayari.

Bigla na lang may humila sa kamay ko at tumatakbo na kami ngayon. At yung dalawang lasing na lalaki, ayun nakahandusay.

Takbo lang kami ng takbo at hindi ko alam kong sino sya. Nakatalikod sya sakin habang hawak nya kamay ko. Parang slow mo ang pagtakbo namin.

Nang nakaramdam na kami ng pagod ay tumigil kami. Halos habulin na namin yung hininga namin.

Nakatalikod padin sya. Pero nagpapasalamat parin talaga ako at niligtas nya ako.

"Salamat sa pagligtas mo." Sobrang thankful talaga ako sa kanya kung di talaga dahil sa kanya baka kung anu na namgyare sakin. "Anu nga pa lang panga.." nagulat ako nung humarap sya, natigil yung sasabihin ko at literal akong napa nganga.

"Bakit kasi nag inaarte ka pa kanina nung inaalok kang sumabay ,pano na lang kung wala ako kanina para iligtas ka. Di napahamak kana." SYA!? si..si..GLen? este Mokong . Pero paano. "Apaka clumsy kasi. Di ka ba nag iisip. Naturingan ka pa namang nasa mataas na section tss."

"Teka nga lang. Una-una sa lahat, hindi ako nag iinarte kanina, ayoko lang talagang kasabay ang mayabang na tulad mo. Pangalawa, hindi ko naman sinabe na iligtas mo ako, pero kahit ganun nagpapasalamat parin ako sayo. At pangatlo, anung sabi mo di ako nag iisip? HUH! Ang kapal ng mukha mo. Malay ko ba na mangyayari to." Sumosobra na talaga tong mokong na to.

"HIndi ka nga talaga nag iisip,"

"Arggg. Edi ikaw na ang matalino." Napaka arrggg

"May sinasbi ako?" he's really getting into my nerves.

"E bat ka nga pala nandito. Akala ko ba umuwi ka na at nakisabay dun sa vice president mo."

"Wala ka nang pakialam dun. And don't  think that I'm here because of you, cause I'm not"

"May sinabi din ba ako. Bahala ka nga dyan. Uuwi na ako." Naglakad na ko palayo sa kanya ng hinawakan ng ang braso ko at pinigilan.

"Ok. I'm sorry for being rude.' tss sorry? "Please accept my apology." 

"Fine. Apology accepted." Ang bilis ko naman ata sya patawarin pag katapos ng sinabi nya sakin, pero kung iisipin niligtas nya naman ako so, fair enough.

"Thanks. Ihatid na kita."

"Hindi ok lang malapit na naman bahay ko."

"Kaya nga, malapit na naman. Kaya hayaan mo na ako ihatid kita. Just to make sure you're safe."

"OK. Kung yan ang gusto mo."

Tahimik lang kami naglakad. Wala nang umimik samin. Ayoko naman na una ako magsalita at isa pa wala rin naman ako sasabihin. Baka mamaya mag away pa kami. MInsan napapatingin ako sa kanya. Gwapo rin naman sya, mayabang lang talaga sya. 

"Andito na tayo. Salamat."

"You're welcome."

May sasabihin pa sana ako. Kaso ayun bumalik na uli sa dati nyang ugali. Bigla na lang umalis at di na lumingon.

.....

Guys  pasensya na ngayon lang uli ako nakapag update. Hayaan nyo dadalasan ko na. :-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Afraid Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon