Simula

29 0 0
                                    

When I was young, I never had any certain dreams in mind. Hindi ko kasi maisip kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. That's why I'm a bit jealous of my friends whenever I hear them talk about what they would like to become in the near future.

But there's a certain person before that I once wished to be with me as I was still figuring out my dreams.

Seven years after we separated, I never thought that our path would cross again after everything that happened.

Nanatili lang akong nakatayo ng tuwid kahit ramdam ko ang pagdapo ng tingin niya sa akin. I don't know if I should be happy with what he had become. On the other hand, I know that there's a huge chance of him following his father's legacy.

“At ngayon naman, palakpakan natin ang ating napakasipag at kagalang-galang na Mayor ng Tayabas, Maverick Gabriel Alandi!"

Everyone in the crowd clapped their hands as he went up to the podium. Today is the State of the City Address. Imbitado lahat ng matataas na opisyal ng bayan, mga guro, mga empleyado, mga panauhin at kung sinu-sino pang mga indibidwal na mula pa sa ibang bayan.

Mahalaga ang araw na ito para sa bayan kaya naman maraming pulis ang nagkalat sa paligid. Tatlong pulis ang nakabantay sa magkabilang stage, kabilang na ako roon.

Matagal bago natapos ang SOCA dahil binanggit lahat ng mga achievements at mga aktibidad na balak pang simulan ng lokal na pamahalaan sa susunod na taon.

It was nearly 10 pm when the event ended. Nakaabang naman kaming mga pulis sa Mayor nang pababa na ito sa stage at sinigurong ligtas siya sa anumang oras.

Nang makababa siya, kung sinu-sino pang mga matataas na opisyal ang nakipag kamustahan. Nanatili lamang kaming nakatayo hindi kalayuan, pinagmamasdan ang paligid at ang bawat kilos ng Mayor.

“Nakahanda na ba ang sasakyan?" he asked when he finally finished talking to people.

“Yes, Sir," I answered without looking at him.

Isang itim na kotse ang sasakyan niya pauwi. Apat na sasakyan naman ng pulis ang naka convoy sa kaniya pauwi sa kanilang mansion. Nasa dulong bahagi ng bayan ang mansion ng mga Alandi. Malayo ito sa kabayanan kaya hindi madaling mapuntahan ng mga tao.

Nangangalahati na kami sa byahe ng tatlong sasakyan ang nakita kong pasalubong sa aming direksyon. Nasa unahan ang kotse na sinasakyan ko kaya kita ko kaagad ang mga nangyayari sa unahan.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking katabi.

“Mali sa linya ah?" pagpuna ni Matthew.

Kumunot ang noo ko nang tuluyang huminto ang tatlong kotse at hinarangan ang daraanan namin. I was a bit nervous, but I managed to take out my gun.

Napuno ng ingay ang buong paligid nang magsimulang magpaputok ng baril ang mga nasa kotse patungo sa kinaroroonan namin.

“Ang Mayor!" sigaw ko saka ikinasa ang aking baril. Lumabas ako sa kotse at ipinangharang ang pinto habang inaasinta ko ang mga kalalakihan sa harap.

Madilim subalit naaaninag ko sa unahan ang walong taong nakaitim at nagpapaputok sa amin. They were wearing black mask so I couldn't see their faces clearly.

“Ildefonso, puntahan mo ang Mayor!" sigaw sa akin ni Matthew habang nasa kabilang pinto siya at nakikipagpalitan din ng putok sa mga kalaban.

My heart was pounding so fast. Kung kami lang sana ang nandito, hindi ako kakabahan ng ganito. Sumilip ako sa unahan at mabilis na inasinta ang isang lalaki sa unahan. Natamaan ko ito sa binti kaya napalunod siya sa lupa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

August Happenstance (Lost Dreams Series 3)Where stories live. Discover now