---CHAPTER 1---
"Oh enrolled ka na Miss Lapati. Full scholar ka."
"Ano pong sabi niyo? FOOL AKO?!! Tinawag niyo 'kong FOOL! Mag-ingat naman po kayo sa mga pinagsasabi niyo!"
"Full na buo hindi fool na bobo! Shunga!"
Whew! Buti na lang sub lang ng principal yung nakausap ko kundi patay ako niyan. Terror pa man din daw yun sabi nila kaya mas gusto ng ibang mga estudyanteng mag-enroll pag si Manong Mayong ang naka-duty, yung head janitor ng school.
Nagmadali akong umuwi ng bahay para ibalita kay nanay na enrolled na ako. Pagdating ko sa bahay, hayun siya, umiiyak. Nagkaron na siya ng hilig manood ng mga teleserye simula nung namatay ang itay.
"Inaaaaayyy!!! Enrolled na po ako!! :)"
"Cong-cong-congrats anak! Huhuhu! Kawawa naman si Florentina! Iniwan siya ni Pablo! Huhuhu!"
Gaga talaga to. Haha. Hinayaan ko na lang siyang ipagpatuloy ang panunood niya at dali-dali akong pumasok ng kwarto para mag-ayos ng gamit. Binuksan ko ang cabinet ko at may bumulaga saking mukha. Hindi ko makitang masyado pero nakakatakot. Parang kamukha ko pero parang distorted.
....
Tapos na-realize ko. Salamin ko pala yon. Oo, tama kayo. Shonget ako. Chaka. Pantay ang bangs ko, Dora ang peg, hanggang balikat ang buhok, may braces pero galing lang sa dentistang may pwesto sa palengke (katabi ng katayan ng baboy), malaki ang ipin sa harap halos makain ko na ang sarili kong labi, maraming tigyawat (nagconcentrate sila sa gilid ng ilong ko at sa noo), tapos maitim. Oh di ba? Pero di ko naman kinakahiya sarili ko kasi hindi naman ako lumalandi ng todo di tulad ng mga kalahi ko jan na kung mang-alembong ng mga lalaki parang hindi naman nakakasulasok mga mukha nila.
Going back (to the corner?), nag-impake na ako with all my make-up, pampaganda, pampaputi, at lahat na ng mga pampa! Mga toiletries ko (magdadala ng CR teh?), cosmetics, panty, damit, and lahat lahat na! Yun na! Huli kong shinoot sa bag ko ay isang T-back. Ewan ko kung bakit pero go lang.
Nainitan ako at in-on ko ang electric fan na kailangan pang tuskin ng bolpen para mag-on at number 3 lang yung gumagana. Bulok na nga, demanding pa. Putek. Tapos biglang humiyaw nanay ko. Agad ko siyang pinuntahan sa labas.
Yung mukha niya, gulat na gulat.
"Bakit ma?! Nakakagulat naman po kayo!"
"Anaaaaak! Si Florentina! Pinatay siya ni Maam Tina!!!"
"Anyakanaman mama! Akala ko naman kung ano ng nangyari sa'yo! Hmmm. Ano po ma, magsasaing na ba ako?"
"AY WAG PA ANAK! WAG PA! BUKAS NA LANG! BUKAS! NAKAKAHIYA SA KALAN! BAKA KASI MAUBUSAN SIYA NG GASUL!!!!"
". . . . . . . Ok po ma. . . . . . ."
Napanganga ako dun ah. oo, ganun talaga yun. Minsan gaga, minsan hinde. minsan gaga, pero minsan din naman hinde. (napagod na akong mag-capitalize ng unang letter ng unang word sa bagong sentence kaya wag na lang. sakit sa kamay!) pero minsan din gaga siya, pero may times ding hinde.
Pagkatapos naming kumain, si kuya ang naghugas! yehey! haha. natulog na ako para bukas. excited sa unang araw sa college! pero nakakakaba rin onti pero more on excitedness ang nefifeel ko! woooh! good night na!
ay wait lang, nakalabas pa yung t-back ko dun sa bag. ayusin ko lang baka makita ni mama.
Yan! Good night na talaga!
BINABASA MO ANG
The T-Back Diaries [R15]
Humorisang babaeng nangangarap. isang babaeng matiyaga at determinado. isang babaeng iisa lang ang hangarin - ang maihon sa kahirapan ang kanyang pamilya. isang babaeng gagawin ang lahat upang matugunan ang kanilang mga hinaing sa buhay. ang babaeng nagt...