MASASAYANG ARAW #2!

735 5 0
                                    

Fieldtrip, Dec. 16

"Yeeeeeheeeey! Momi fieldtrip nanaman! :D" - Sabi ko ng paexcite sa momi ko

"Kasama mo si Tita ine!" -Momi Karen

"Yoooks, bakiiiiit? Hindi naman ako mawawala ihhh kasama ko naman sila Kyllah" -Mika

"Eh hindi ka sasama pag hindi kasama si Tita ine mo." -Momi Karen

"Ehhhh, sige na nga sasabihin ko sa teacher ko.." -Mika sabay punta sa kwarto.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

MOMI KAREN'S POV

Momi ako ni Mika. Matagal na akong may kutob sakanya na parang may boyfriend kasi laging may hawak ng phone at may nakikita akong kakaiba sa facebook niya. Kaya ngayong fieldtrip isasama ko si Tita ine niya at ipapaalam ko kung sino yung boyfriend niya. Kaya kinausap ko ang Tita ine niya.
Si ine siya ang kapatid ko. Ang totoo niyang pangalan ay Krisrofelle pero ang nakasanayan namin ay ine.

"Ine, Sumama ka sa fieldtrip nila mika ha." -Karen

"Bakit namaaan?" -Ine

"Parang may tinatago si Mika, bantayan mo ha." -Karen

"Osige basta dagdagan mo yung baon namin 😝 hahaha" -Ine

"Oo na." -Karen

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Dec.16 FIELDTRIP NAAAA!!
MIKAELLA'S POV

Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko pati rin ang Tita ko, Hindi ko masyadong tinitignan si leeam baka makita ng Tita ine ko. At nung pumila na kami para makaupo sa bus nagjoke yung kaklase ko. Si giel.

"Mika, Tita mo?" -Giel

"Oo" -Mika

"Bakit hindi mo kamuka?" -Giel

"Sira ulo ka ah! Malamang mas maganda ako!" -Mika

"Hahahahaha!" -Mga Kaklase ko at pati si Tita ine.

"Hindiii, kasi ang ganda eh :D haha peace tayo" -Giel

At tumahimik nalang ako ng pabiro XDD at sumakay na kami sa bus.

Ang saya talaga pag maingay sa bus kahit sinisita :D Masarap tumawa eh lalo na pag nakakakita ng nakakangangang natutulog 😂😂 nangungulangot 😂😂 3 lugar pinuntahan namin pero ang EK ang da best! at dito nakilala ni Tita ine si Leeam :)

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

7:30 na ng nasa bench kami sa EK. ng nakita ko sila Leeam na kasama niya yung mga kaibigan niya. Dumaan sila sa harap namin. (ouch <//3) pero bumalik si leeam! 😄 (YEHEEEY!!) at sabi niya sakin ay..

"Mika sakay tayo wheel of fate? :)"-Leeam

at napatingin ako kay tita Ine.

"Tita inee, sama kaaa." -Mika

"Osige tara" -Tita Ine

at pumunta na kami sa Wheel of fate. habang papunta kami dun nag-uusap sila ni tita ine tungkol sa mga rides. at bumubulong din sakin si Leeam na Mika, Ang ganda ng Tita mo :D Hahaha pero natatawa nalang ako :) at nung pumila na kami sa Wheel of fate may nakasabay kami na nakapila N.A student rin.

"Leeam sino kasama mo?" -Yung babae

"Sila Mika at Tita niya :)" -Leeam

"Ahhh" -Yung babae

at nung nakasakay na kami sa wheel of fate may sinabi samin si tita ine

"Kayo ah, Hay nako mga bata pa kayo pero kaya namin kayo papayagan para hindi ienjoy ang high school life dahil hindi naman yan nawawala. basta mag-aaral kayong mabuti ha. at wag kaying masasanay na maglihim samin. ako nga 23 na wala pa ring boyfriend eh kayo 12/13 palang meron na. mag-aaral kayong mabuti ha?" -Tita Ine

"Opo" -LeeaMika at nagkatinginan kami sabay smile :)

at pagkatapos nun bumalik na kami sa bus. at papunta naman kaming moa para kumain ng dinner. Nilibre ko siya ng Milktea dahil yun lang ang dinner ko. pero siya kumain pa ng kanin ayaw nun ng hindi kumakain eh. at saglit lang kami nagkasama dahil saglit lang kami sa moa. nung pauwi naman na kami hindi na kami nagkita dahil nagmamadali kami umuwi. At pag dating namin sa bahay hindi na ako nagbihis sabay tulog nalang ako.

Kinabukasan ng fieldtrip namin nagkwento agad si tita ine kay momi.

"Hearthrob yung Leeam na yun ah :D Mabait, pogi! Aba magaling pala pipili si Mikang ponget. Hihihi" -Tita ine

"Oh?! Suware bay ganun? Mabait pogi :D" -Momi

"At bonggang si koya! NakaG-Shock pa!" -Tita Ine

"Eh kaya mag-aaral kang mabuti mika. Ayan. Papayagan kita at mukang mabait yang si Leeam. Pero pag nag break kayo niyan bawal ka ng mag boyfriend." -Momi

"Okie dokie 😁😁" -Mika

"At merong babaeng nagtanong samin tinanong kung sin daw kasam ni Leeam, Nakakasura hindi ba obvious na kami yung kasama niya? Pero ang pogi talaga ni Leeam bet ko siya." -Tita Ine

At nag kakwentuhan pa sila ng marami at sa pag kakakwento nila nagustuhan na ni momi si leeam :)

*Sabay text naman kay Leeam

"Goodmorning Superman ILoveYou :* May goodnews ako sayo. :D" -Mika

"Goodmorning ILoveYouToo :** Ano po yun?" -Leeam

"GUSTO KA PO NI MOMI!!! 😁😁😁" -Mika

"OHHH? HAHAHA MIKA NAPAKA SAYA KOOOO!!! :D" -Leeam

"HAHAHA! Ako diiin!! LEGAL NA TAYOOO!! 😄😄😃😃😃" -Mika

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Yeheeeey! Alam na ni Momi!! Wala na akong problema!!! :)))))

Ang Love Story Ng LeikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon