chapter 6

4.7K 126 0
                                    

Chapter 6

Thera's POV
"Ohh anak, parang may iniisip ka?" Tanong ni nanay
"Ahh wala naman nanay, ehh kase parang unti unti nagbabago na si Clark" malungkot na sabi ko
"Anak ganyan talaga kaya intindihin mo siya, baka pagod lang siya trabaho"
"Siguro nga nanay" sabi ko
"Ohh luto na ito, magbihis ka na at dalhan mo siya" sabi ni nanay
"Sige nanay" sabi ko

Busy si ate Amara kaya si Clark na ang bahala sa kasal. Wala kase akong alam sa mga ganyan kaya wala akong magawa.
Pero makakapagtataka kase parang nag iba si Clark. Laging pagod, ang sinasabi kapag aaya in ko siya lumabas. Minsan hindi siya umuuwi, naiintindihan ko naman.
Hindi naman ako naniniwala sa sabi sabi nila na nagkabalikan so Clark at ang kanyang ex dahil may tiwala ako sa kanya. Mahirap maniwala sa tsismis.
Andito ako ngayon sa harap ng company ni Clark, ngayon lang ulit ako papasok dito. Dinalhan ko si Clark ng Lunch kase baka nag overtime na naman iyon lalo na at siya ang naghahandle ng kasal namin.
"Good afternoon manong guard" nakangiting sabi ko at tila nagulat siya
"Ohh iha ikaw pala, ohh may asawa kana?" Tanong niya siguro hula niya kase medyo malaki na ang aking tiyan
"Soon po manong guard, pasok na po ako dadalhan ko ang lunch ang aking fiance" paalam ko
"Sige iha, congrats" sabi niya
"Salamat" sabi ko at pumasok ako

Dumiretso ako sa office ni Clark at papasok na sana ako ng may kausap siya. Narinig ko kase nakabukas ng konti ang pinto.
"Honey I miss you" sabi ng babae
"I miss you too" Clark
So totoo nga, may babae nga siya.
"Bakit mo kase binuntis ang janitress na iyon, iba na pala ngayon ang mga mahihirap magpapabuntis para maiangat ang buhay" sabi ng babae
"Honey, naman hindi ako makapag antay hihintayin natin ang 4 months. Para ma ipanganak niya at kukunin natin ang anak mo then magsasama na tayo" sabi pa ng babae
"Honey-" hindi ko kaya pang narinig ang sasabihin ni Clark dahil masasaktan lang ako kaya umalis akong umiiyak
Pinahid ko ang aking luha habang papaalis sa opisina niya.
"Thera?"rinig kong sabi sa likod ko kaya agad kong pinunasan ang aking luha
"ohh Bea, kamusta na?"sabi ko at pilit na ngumiti
"Okey lang saka kay Sir Dan na ako nagtratrabaho may idadaan lang ako dito" sabi niya
"Ikaw, galing ka sa opisina ni Sir?" Tanong niya
"Ah oo saka pa uwi na rin ako" sabi ko
"Congrats nga pala ikakasal na kayo ni Sir, masaya ako para sa iyo" sabi niya at ngumiti lang ako
"Sige punta mo na iyan, paalis na rin ako may gagawin kase ako" sabi ko
"Sige"

Dumiretso ako dito sa tambayan ko lagi pag malungkot.
Grabe akala ko okey na ang buhay ko pero hindi pala. Hindi pa rin tumitigil ang aking luha sa kakaiyak.
Hindi ako katulad ng iniisip ng babae ni Clark, hindi ko kailangan ng pera niya kung iyon ang iniisip niya. Nakakasakit mga binibitawan nilang salita.
"Baby, strong ka ha sana huwag mo akong iiwan, kayo lang ni nanay ang lakas ko"

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko, naidlip pala ako dito.
"Hello nanay" sabi ko
"Hello anak alas 4 na Hindi ka pa umuuwi tawag ako ng tawag hindi mo sinasagot, nasaan ka ba?" Tanong niya
"Ahh sorry nanay nakapatay ang cellphone ko nandito ako kila ahhh ehh b-besty" pag sisinungaling ko
"Sige, nandito na pala si Clark" sabi niya
"Nanay sige" sabi ko at pinatay ang tawag

Nagdadalawa akong isip kong uuwi ba ako? Hindi ko alam kong paano haharapin si Clark.
Eto umuwi pa rin ako para sa kaligtasan namin ng anak ko.

"Nanay" sabi ko at yinakap siya
"Oh anak buti andito ka na, sabi ni Clark hindi ka daw pumunta sa opisina niya?" Tanong ni nanay
"Ahh oo hindi ako pumunta tumawag kase si besty kaya napadiretso ako sa kanila" pag sisinungaling ko
"Ahh ganon ba, meron nga pala ako sasabihin sa iyo panigurado magiging masaya ka" sabi niya
"Sige nanay mamaya nalang po" sabi ko at pilit na ngumiti
Tahimik akong naglalakad na hindi nag iingay papunta sa kwarto para magbihis.
Tulog si Clark kaya tahimik akong kumuha ng damit
"Saan ka galing" tanong niya
"Ahh kila Besty, sorry hindi kita nadalhan ng lunch kase tumawag si besty" sabi ko
"Okey" sabi niya at bumalik sa pagtulog
Siguro naninigurado ito nga huwagabuking

"Ohh anak tawagin mona si Clark" sabi ni nanay

"Clark gising muna, nakahanda na ang pagkain" walang emosyong sabi  ko

"Okey, baby" sabi nito at nauna na akong bumaba

"Thera, may sasabihin ako sa iyo anak, nung ipinagbubuntis ko kayo-"

"Kayo?? Paano ng naging kami?" Tanong ko

"Oo anak kayo may kakambal ka at habang ipinagbubuntis ko kayo ay walang wala kami ng ama niyo noon kaya kahit masakit sa amin ay ipina ampon namin ang kakambal mo at siya si Freda" sabi niya at may pumasok na babae

"Anak si Thera ang kakambal mo" sabi ni nanay kay Freda at natulala lang ako habang tinititigan siya mag kakambal nga kami kasi magkamukhang magkamukha kami

"Hello Thera" nakangiting sabi nito at duun ako may na alala

Honey I miss you" sabi ng babae

"Bakit mo kase binuntis ang janitress na iyon, iba na pala ngayon ang mga mahihirap magpapabuntis para maiangat ang buhay" sabi ng babae

"Honey, naman hindi ako makapag antay hihintayin natin ang 4 months. Para ma ipanganak niya at kukunin natin ang anak mo then magsasama na tayo" sabi pa ng babae

Hindi ako magkakamali siya, siya ang kausap ni Clark.

"Hi" sabi ko sabay ngiti  para huwag magpahalata

"Hey Freda your here" sabi ni Clark na kakababa

"Ahh yeah, I just want to meet my twins" plastik ma sabi nito

"Halina na kayo at kumain na" sabi ni nanay at sumunod kami

Tahimik lang akong kumakain at sila ang kwento ng kwento kapag may tatanungin sila sa akin saka lang ako magsalita.

"Excuse ma una na ako sa taas inaantok na ako" paalam ko

"Sige anak" sabi ni nanay at umalis na ako

#plagiarism_is_crime

First Story

Zz.❤❤

Pregnant By My Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon