Ella’s POV
"Allen?"
Boses pa lamang kilalang kilala ko na siya.. Si John Allen Vinido.. First Love, First Boyfriend, First Kiss.. at parang lahat na ata ng first nakuha niya saken..
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.. andito siya.. sa harap ko..
Pagkatapos ng tatlong taon na di ko siya nakikita’t nakakausap.. Ngayon, andito siya.. mismong sa harap ko..
Parang may nararamdaman akong kuryente mula sa pagtitig niya saken..
Ang tibok ng puso ko.. ang bilis..
Parang.. Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin..
Pero bakit ganito? bakit parang bumabalik lahat na nararamdaman ko para sa kanya.. Hindi ito maaari.. Ibinaon ko na siya sa limot.. Nakamove on na ako sa kanya.. At.. Iba na ang minamahal ko ngayon..
"Ella.. Mabuti naman at nakita rin kita.."
Hindi pa ako nakakarecover mula sa pagkikita namin.. Mas lumala pa yung naramdaman ko nang yakapin niya ako..
Mahigpit ang pagkakayakap niya sakin..
Tulad ng dati pa niyang ginagawa..
Ito kase ang paraan niya para sabihing namiss niya ako.. Pero noon yun.. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba totoo parin yun..
Sa biglang pagyakap niya sakin.. at sa isang saglit na pagdikit ng mga katawan namin.. Parang tsunami na rumaragasang bumalik lahat na pinagdaanan namin sa utak ko..
Ang init ng katawan niya.. at ang haplos ng kanyang mga braso.. Isang scenario na araw araw kong pinangarap mula nung iwan niya ako..
Dalawang taon din akong umiyak dahil sa pagkaulila sa kanya..
At ngayon bumalik siya.. parang may isang parte sa puso ko ang gustong bumukas para sa kanya..
Pero hindi.. hindi pwede..
Dumating si Clark sa buhay ko nang iwan ako ni Allen..
Pinahiran niya ang mga luhang pumatak dahil kay Allen..
Kinantahan niya ako tuwing gabi para makatulog na dapat ay ginagawa ni Allen..
Naguguluhan ako..
Pero isa lang ang dapat kong gawin..
Marahan kong tinulak si Allen upang ipaalam ang aking pagkagulat sa kanyang inasal..
"Uhm.. sorry.. hehe.. namiss kase kita Ella.."
Nakangiting tugon ni Allen.. pero di ko siya matinggnan nang deretso..
"Nakauwi ka na pala.."
nakayukong sagot ko..
"Oo.. kahapon lang.. lumipat pala kayo ng bahay? Mabuti nalang at nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay mo noon kung saan kayo lumipat di sana di pa tayo nagkita.."
Nagtanong tanong siya? ibig sabihin hinanap niya talaga ako.. posible kayang mahal niya pa ako?
Ano ka ba Ella.. may syota ka na at iniwan ka naman ni Allen diba? Ni hindi nga siya nagtxt o tawag man lang..
"Sige Allen.. mauna na ako.."
Tumalikod na ako sa kanya pero hinawakan niya ako.. agad akong nakaramdam ng kuryente sa pagdampi ng kamay niya sa kamay ko..
"Teka.. bakit parang iniiwasan mo ako? Di mo ba ako namiss?"
Nagulat ako sa inasal niya.. para siyang bata.. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya..
"Hindi.. Medyo masama lang pakiramdam ko.. sige mauna na ako.."
At tumakbo ako ng mabilis papasok sa bahay..
Sinara ko ang pinto at sinilip siya mula sa bintana..
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa naging reaction ko..
Napahawak ako sa dibdib ko.. Napakabilis ng tibok ng aking puso.. Hindi ’to pwede... Masyado akong nasaktan nang iwan niya ako.. Umiyak at nag-isa.. Marami na akong dinanas para lamang makalimutan siya.. kaya hindi ko hahayaang ganun nalang kadali yun.. na parang walang nangyari.. Hindi ko hahayaang mabalewala ang mga luhang inaksaya ko sa kanya..
*****
Pagkatapos ng malaimpyernong umaga ko ay isinampa ko ang sarili ko sa higaan..
Ang gulo2 ko! Mahal ko si Clark.. at alam kong mahal niya ako.. Pero itong si Allen na Ex ko na buong akala ko ay wala na talaga sa buhay ko ay bumabadyang bumalik.. Alam ko namang mali kapag pinayagan ko pa si Allen na makapasok ulit sa buhay ko.. Malaki ang posibilidad na wasakin niya ulit ang puso kong pinaghirapan naming pagtagpi tagpiin ni Clark..
Pero ang puso ko naman kase! Parang may sariling utak! Parang gusto niyang papasukin si Allen sa buhay ko..
Maawa ka puso ko.. Ikaw lang ang masasaktan..
Hay! ang gulo naman! ano bang dapat kong gawin?!
*ting-ting*
Narinig kong tumunog yung laptop ko.. May nagmessage ata sa facebook ko..
At di na ako magtataka kung sino..
’Hi?’
From Allen..
Tigilan mo naman ako.. maiiyak na ako oh..
*Kriiiiing*
May tumatawag..
Caller ID: Baby Clark
Eto pa yung isa..
Sasagutin ko ba?
Rereply ba ako sa chatbox ni Allen?
Nalilito na ako!
*****
A/N: Hello! Thanks for reading!
Comments?
Lovelots :*
Nishi<3
BINABASA MO ANG
Moved On? Check!
Short StoryYou can never really move on from someone you used to love.. Someone who turned your world upside down.. Someone who made you feel exceptional.. Yes, things change.. But the Present isn’t really the Present without that gloomy little Past.. You may...