Paanoooooo?! :o

4 0 0
                                    

Paano mo malalaman na may gusto din sayo ang isang tao? Yun ba yung tratratuhin ka niyang parang babasagin na gamit at sobra kang iniingatan? O baka naman yung pababayaan ka lang at dededmahin ka. Naguguluhan kaba? Ako rin. Naguguluhan na!

Habang nag uusap sina Irene at Matthew nakatingala lang ako kay Matthew nasa tabi ko si Irene kaya hindi naman niya napapansin. 1 2 3 4 5 nagkatinginan kami ni Matthew ng limang segundo. Kung tatanungin niyo kung sino  si Matthew sa buhay ko siya ang ultimate crush ko, siya ang nag iisang lalaki sa buhay ko simula ng pumasok ako sa college, at siya lang ang may kakayahang magpakilig sakin. Nagkwekwentuhan sila ni Irene samantalang ako andto lang nag aantay na magkatinginan kami. *chos! :"> Inaantay ko talaga si Irene kasi sabay kaming kakain. Nagbabasa lang naman kami dto nung biglang dumaan si Matthew kasama yung isa niya pang kaibigan e. My tinanong si Matthew kay Irene pinakita niya pa yung picture na nasa phone niya mismo hindi ko na lang pinansin kasi di ko naman maaninagan. Tumingin ulit sakin si Matthew tapos narinig kong nag paalam na siya kay Irene. Haaaay' See you around Matthew my love so sweet. Ayokong magbaybye magkikita pa naman tayo eh' btw. Isang HRM Student si Matthew magaling mag LOL (Legue of Legends) at syempre magaling din siyang magluto, matalino, kwela at napakabait may nakalimutan pa pala ako. ANG GWAPO NIYAAAA!! Sobrang tangos ng ilong, maputi, chinito, maliit at mamula mula ang labi. Almost Perfect na nga eh. Ilang taon na kong nahuhumaling sa lokong to. Malapit siya sa mga babae pero hindi naman mahilig sa mga yun. Lahat naman ng nakakasama niya eh nagiging kaibigan niya mapa babae man o lalaki. Oo nga pala ume-extra din siya sa mga palabas at commercial. Sana nga maging leading man ko siya balang araaaw.

February 14

Sa kasamaang palad nalaman kong my ganitong araw at petsa pala talaga akala ko nabura na sa kalendaryo. Ecca! Pinapatawag ka ni mam Marj. Sabi nung isa kong kaibigan' Bakit daw? Tanong ko sakaniya malay mo alam niya tsismosa pa naman to.
Ewan ko. Nako mukha pa namang galit si Mam Marj kanina. Nanakot pa tong tikbalang na to pupuntahan ko na nanga lang si Mam  para di ako nag iisip ng kung anu ano dto. 

Surprise.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon