I like the way HE MOVES ( Short Story )

58 2 3
                                    

Hana POV

Nag-aabang ako ng tricycle sa labas ng school namin nang mapansin kong papauwi na rin sina Ken at ang mga kasamahang dancer nito.

"Wala ba silang practice ngayon?" tanong ko na lamang sa sarili ko.

May lihim akong pagtingin kay Ken, kaso nahihiya akong umamin sa kanya. Hindi kagaya ng ibang kaklase kong babae na may confidence na magtapat dito. At isa pa, lahat sila ang ibinibigay lamang na sagot ni Ken ay -- "may iba akong gusto eh". 

Nasaktan ako syempre, pero i have no right to feel that way. Hay! buhay nga naman! Hanggang tingin lang ata ako sa kanya.

Napabuntung-hininga na lamang ako.....

"ang lalim nun ah!" nagulat ako dahil may nagsalita sa tabi ko, at iyon naman pala ay walang iba kundi si Ken. Nakuuuuu! kung saan-saan naman napadpad ang pag-iisip kong ito. Ayan tuloy para akong tanga na hindi man lang namalayan ang paglapit sa akin ni ken-- ken-- ken--- huh? Sino?!-- Si ken?! 

"oh' Ken! anong kailangan mo?" nahihiya kong tanong sa kanya. Himala at pinansin niya ako.

"ah' wala lang. Nakita lang kitang nag-iisa dito kaya lumapit na ako sayo." so, kanina pa pala niya ako tinitingnan? kainis naman! 

"Saan pala ang sa inyo? Marami kasing tricycle ang dumaan at hindi ka man lang pumara" sabi niya na nakangiti at nakatingin ng deretso sa kalsada. Parang iniisip pa niya ang kanyang sasabihin.

"hah? aaah.. sa Bonifacio ang samin"  ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Ano ba ito?

"kaya naman pala. Madalang lang talaga ang tricycle na pa-Bonifacio" sabi niya na nakatingin pa rin sa kalsada.

Mahabang katahimikan ang namayani....................

Ano bang magandang pag-usapan namin? Ang boring ko talaga kahit kailan! Isip---isip---isip--- *TING* aha! alam ko na!

"may--" "kumu--" sabay kaming nagsalita.

"ahahaha. ikaw na ang mauna" sabi nalang niya habang tumatawa pa rin at nakatingin na sa akin.

"kumusta pala ang sayaw nyo? balita ko bukas na ang paligsahan" sabi ko nang nakangiti. Nakakahawa naman kasi ang tawa nya eh.! ahahaha :'D

"okey lang naman" nag-iwas na siya ng tingin.

"ano ba yung gusto mong sabihin kanina?" 

"ahem. may gagawin ka ba ngayon?" nahihiya niyang tanong. Napakamot pa siya sa kanyang batok. How cute of him! hehehe :3

"wala naman. bakit?" sabi ko sa seryosong tono.

"pwede ka bang maging audience ko muna sa ngayon? Ipapakita ko lang sayo yung sayaw namin. At sabihin mo lang kung maganda ba o hindi. Para atleast may panahon pa kaming baguhin ang sayaw kung hindi maganda"  at ibinulsa niya  ang kanyang isang kamay. Ang cool niya talaga!!!!!

"oo bah! saan naman tayo pupunta para matingnan ko ang sayaw niyo?" agad kong sabi. 

Biglang nagliwanag ang mukha niya at parang may ibinulong na hindi ko narinig. Anong meron???

"halika! sa gym tayo" sabi niya at hinila na niya ako papunta doon.

Habang hawak niya ang kamay ko parang nakaramdam ako ng maliliit na boltahe na dumaloy sa aking kamay. At hindi nagtagal parang ang sarap sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. ^____^

Ang bilis din ng tibok ng puso ko, kanina pa ito ah! please behave.... <3

Nakarating na rin kami sa gym at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Ken dito na ba?" sabi ko nalang. Nagblush pa ako, kasi kami lang ang tao dito noh' 

"ha? ah-- eh-- ah-- uo dito nga" nauutal niyang sagot. Binitiwan niya kaagad ang kamay ko. bakit??? magaspang ba ang kamay ko???

Nalungkot ako para doon. Pero hindi ako nagpahalata.

"Sige nga, ipakita mo nga sakin ang sayaw nyo" nanghahamon kong sabi, para matapos ang awkward moment na ito.

"oo bah! hintay lang ah!" dali-dali niyang binuksan ang kanyang backpack upang kunin ang portable player niya ata.

At tama ako! Matapos niyang maisa-ayos ang lahat, pumunta siya harap ko at nagsimula ng sumayaw.

Nakatulala lamang akong nakatingin sa kanya....

Halo-halo ang tugtug ng sayaw ---- iyong tinatawag na remix....

Habang tumatagal lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko...

Mukhang nakikisabay din ata eh...! Ang lakas talaga ng impact ni Ken sa akin pati puso ko napapasayaw pa niya. hehehe..

Lalo ata akong nahuhulog sa iyo Ken......

Hindi ko naramdaman ang pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi.....

umiiyak na pala ako......

bakit ganito nalang ang nararamdaman ko..............

napag-isip-isip ko na kaya pala ako umiiyak ay dahil sa saya.....

dahil.......

dahil.......

dahil.....

........ nang biglang may yumakap sa akin...

Si  ken? bakit?

Hindi ko man lang siyang nakitang papunta sa akin......

umiiyak rin ba siya? 

Hindi pala.... 

Pero....

"hana, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman kong ito. I really like you since the first day i saw you at school. Nato-torpe lang akong magtapat sayo. But when i see you staring at me while i dance, i realized that i already falling for you and i cant hide it anymore." sabi ni ken at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin,... i sense the sincerity on his voice...

totoo ba ito?

gusto kong tumigil ang mundo at hayaan nalang akong maramdaman ang yakap ni Ken habang buhay....

Ang sarap sa pakiramdam eh! ----- I think i feel safe in his arms....

pero hindi pala ito isang panaginip lamang ---- because its really happening......

at sa wakas naramdaman kong kumilos ang aking mga kamay at niyakap ko rin siya...

at sinabing ------ "ken i cant imagine that you feel the same way in me. Napaiyak ako dahil sa saya----- dahil sa iyo ako umibig. Well, i like the dance, its perfect and im sure you'll win the contest tomorrow. But -------- i love the man who performed it. "

Naghiwalay kami at tinitigan namin ang isa't-isa.

And I saw love in his eyes...

THE END****** 

>>>>> rhokie17

I like the way HE MOVES ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon