I Love You, Forever

8 1 0
                                    

I'm Angela Buenaventura. Soon to be Mrs. Morales.


Nagising ako nang maramdaman kong may dumamping malamig na kamay sa aking pisngi at tumambad sa akin ang isang mala anghel na lalaki.


My fiancé. My first love. My baby boy. My sugar pie, honey bunch, great taste white caramel.


"Good morning, baby." He said then kissed my forehead.


Sweet niya 'no? Ganito kasi siya eh pag nag aaway kami binibilhin niya ako ng milktea, atsaka yung mga prutas, atsaka hindi mawawala yung burger atsaka fries. Para lang magka-ayos kami binibilhan niya ako. Yeah! Sana all.


"Good morning too, my love." I answered.


Ilang araw din kami nagtitigan hanggang sa napag desisyunan namin na kumain na dahil gutom na talaga ako.


Ikaw, try mo makipag titigan sa jowa mo ng buong araw. Tignan natin kung hindi ka magutom.


Sabay kaming kumain pero hindi man lang niya nabawasan ang pagkain niya. He just stared at me until I finished my food. Baka wala siyang gana.


Nandito ako ngayon sa labas ng bahay para makalanghap ng fresh air dahil it's good for our baby.


And yes, you read it right. I'm 6 months pregnant.


At first, it's not that easy for us. Sinubukan nilang ilayo ako kay Lance. Hindi kumakain  pero hindi rin nagtagal 'yon dahil alam nilang makakasama sa bata. That's why they decided na ibalik sa akin si Lance.


Even though he is not yet a father, I can say that he is really caring. Kung anong pag-aalaga niya sa akin nung kaming dalawa pa lang, mas doble pa ngayon.


Walang araw na hindi niya ako dinadalaw. Kung minsan naman ay sa amin na siya natutulog dahil gusto niya kaming bantayan ng anak niya. He's sweet, isn't he?


Ultimo pagbaba ko ng hagdan ay nandiyan siya para alalayan ako. Kung minsan naman ay andami niyang pinapakain sa akin. At minsan ay naiinis na ako dahil ang taba taba ko na.


Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang init ng yakap niya.


Ramdam na ramdam ko ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin para protektahan kami.


"It's been 3 months, my love." bulong ko habang dinadama ang yakap niya.


"Yes baby. It's been 3 months and I need to go." He whispered in my ears.


No. Hindi pwede. Hindi ko pa kaya. I can't let him go right now.


Sabi ko sa aking isip. But I know na hindi pwede. He needs to go and and I know that I can't do anything but to set him free.


3 months ago. Car accident. Pauwi na kami 'non galing sa park nang biglang may truck na lumiko.


Akala ko maiiwasan ni Lance, pero hindi. Kaya niyakap niya kami at siya ang humarang sa mga bubog na para sana sa akin.


Dali-dali kaming pinunta sa ospital ngunit nasa daan palang kami ay hindi na niya kinaya.


I still remember the words he said before closing his eyes...


"If it's a boy, name him Lance. And if it's a girl, name him Angel. I love you both." And with that, unti-unti niyang pinikit ang mata niya.


Until now, ramdam koparin yung kamay niyang unti-unting nanlamig. At kung paano hawakan ang aking kamay sa huling pagkakataon.


Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pag bulong niya sa aking tenga.


"I love you forever, my baby. Mahal na mahal ko kayo."


"I love you too, my love." I whispered back.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You, ForeverWhere stories live. Discover now