Prologue : Welcome Home!
MABIGAT ang paa kong sumunod kay Tita Rose pababa ng eroplano.
I smiled sarcastically. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Noon, pilit akong pinapaalis ni Papa sa bansang ito. Pero ngayon, he begged me to come home?
Ano kayang nakain no'n?
Tsk! Okay na ako sa New York, eh. Maayos na ang buhay ko do'n. Isang taon na lang, makaka-graduate na ako sa kurso ko. Pero bakit kailangan ko pang bumalik dito?
Bakit kailangan ko pang bumalik sa lugar kung saan nangyari ang mga kabiguan ko?
"Rhei, bilisan mo! Kanina pa naghihintay ang Mama mo!" sabi sa 'kin ni Tita na ilang metro lang ang layo sa akin. Nakuha niya na ang bagahe niya samantalang ako, hindi pa.
Nang makuha ko na ang nag-iisang maleta ko, naglakad na ako palapit sa kaniya. Sabay kaming naglakad palabas ng paliparan.
Nagpalinga-linga ako sa pag-asang may sasalubong sa amin sa arrival's area pero nakasakay na kami sa kotse ay wala pa rin. Akala ko ba, naghihintay si Mama?
Hay, ano pa bang bago? Noon pa man, hindi na sila naglalaan ng atensyon at oras sa akin, ngayon pa ba ako magtataka?
"Tita, nasa'n po si Mama?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakapagtanong na ako.
Walang pinagbago. Ako pa rin si Rheianne Delgado na laging naghahanap ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang ko. Dapat ay sanay na ako pero bakit ang sakit pa rin?
Siguro for the past five years na hindi ko sila nakikita o nakakausap man lang, umasa ako na na-miss din nila ako. But I think I'm wrong. That thing is impossible.
"Hindi po ba tayo didiretso sa bahay, Tita?" tanong ko nang mapansing iba ang dinadaanan namin.
More than two hours ang biyahe papunta sa Antipolo na siyang hometown ng pamilya namin. At hindi ito ang daan papunta do'n.
"Naghanda ng welcome party ang Papa mo sa bahay niyo sa Taguig. Doon tayo didiretso," sagot niya.
Bahay namin sa Taguig? Hindi naman ako nakatira do'n. Baka bahay nila Papa sa Taguig.
Napabuntong-hininga ako at bumaling na lang sa labas ng sasakyan. Malaki na rin ang ipinagbago ng Manila mula nang umalis ako dito five years ago.
Mas dumami ang mga nagtataasang building at mas naging traffic. Parang walang pinagdaanang pandemic dahil napaka-sigla ng kalakhang Manila.
Mas dumami na rin ang kabi-kabilang billboard ng mga sikat na artista. Karamihan ay hindi ko kilala dahil wala naman akong access sa social media noong nasa New York pa ako kasama si Tita Rose.
Pinagbawalan kasi nila akong gumamit ng cellphone. Strictly, bahay at school lang ang dapat kong puntahan hangga't maaari. I even had my own bodyguard!
Gano'n ka-walang tiwala sa akin si Papa. Wala na akong social life dahil sa mga maling desisyon ko noon. At maging ang sarili kong pamilya, parang tinalikuran na ako.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang magagarang sasakyan na nakapalibot sa bahay nila Papa sa loob ng isang sikat na subdivision dito sa Taguig.
Hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan na ni Tita Rose ang braso ko.
"Good luck, hija. I love you!" aniya na ikina-kunot ng noo ko.
What's with that?
Binitawan niya na ako at naglakad na papasok sa malaking bahay. Kahit nagtataka ay sumunod na lang din ako sa kaniya.
Nakaka-excite din pala knowing na nandito na ako. Alam kong panibagong simula na naman ito para sa 'kin but I'm sure, makakapag-adjust din naman ako agad.
Sana lang magbago na ang pakikitungo nina Mama at Papa sa 'kin. Sana lang, kalimutan na nila ang past at patawarin na nila ako sa mga kasalanan ko. At sana, hayaan na nila akong gawin ang gusto ko.
"Welcome home, Rheianne!" sigaw ng mga tao pagpasok ko sa bahay.
Tinignan ko ang paligid. They've really prepared for this.
I wonder why. Hindi naman kasi ako special sa kanila.
Lumapit sa akin si Mama habang nanatiling ilang metro ang layo sa akin ni Papa. I looked at her confused pero niyakap lang niya ako.
"Welcome back, anak," aniya habang hinahagod ang likod ko.
"Thank you," I managed to say when she faced me.
Bumaling naman ako kay Papa na humakbang palapit para yakapin ako.
Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil sa kakaibang saya na nararamdaman ko. Totoo ba 'to? Napatawad na ba niya ako?
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. After five years, nakita ko na sila ulit. After five years of being away, nayayakap ko na sila, finally. At ngayon, pwede ko na silang kausapin.
Natapos ang madramang moment na 'yun sa isang masayang kwentuhan nila Mama at ng mga amiga niya sa isang table. Kasama ko sa table sina Tita Rose, Tita Ema, Tita Daisy, at Mama pero parang hindi ako nag-e-exist dahil hindi naman nila ako pinapansin.
"Siya nga pala, nakita ko kanina si Mrs. de Dios, kausap ng asawa mo. Tuloy na ba talaga 'yung plano niyo?" tanong ni Tita Daisy kay Mama.
Nakikinig lang ako habang nilalaro ang mga prutas sa dessert naming fruit salad. Hindi naman ako maka-relate kaya nakipagtitigan na lang ako sa salad.
"Oo, Daisy. Nakapag-usap na kami ng pamilya de Dios. We'll go for it," sagot ni Mama.
Nag-angat ako ng tingin when I felt uncomfortable at tama nga ang hinala ko, they're all looking at me. So I wore a confused look.
"Hija, I still can't believe na ikakasal ka na. Parang kailan lang—"
"Po?" putol ko sa sasabihin ni Tita Ema.
What the hell is she talking about?! Ako? Ikakasal? Pa'no naman mangyayari 'yun?
"Hindi niya pa ba alam, Shena?" Tila naguguluhan din si Tita Ema na nakatingin kay Mama.
What the heck is happening here?!
"A-Ah, hindi ko pa nasasabi sa kaniya, eh." Si Tita Rose ang sumagot kay Tita Ema.
"Ano po 'yun?" Lakas-loob kong tanong kahit na kinakabahan ako.
"Anak, halika, mag-usap muna tayo," nakangiti pero bakas ang kaba sa mukha ni Mama.
I don't like the idea circulating on my mind.
Sinundan ko si Mama sa kusina with a blank expression. I feel bad about this. Ano na naman kaya ito?
"Anak, let me explain first."
"You really need to explain, Ma!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
I really don't understand. Hanggang ngayon ba, hindi pa rin nila ako napapatawad? Hanggang ngayon ba, pinarurusahan pa rin nila ako sa mga maling nagawa ko noon?
This is shit!
"This is for our family!" sigaw niya pabalik.
Of course this is for the family. For their family!
"I'm not part of your family!" lumuluha kong sagot.
Iyon naman talaga ang totoo. I feel like I'm not part of their family anymore. Because of the past. Because of my mistakes.
"Makakaya mo ba na suwayin ang Papa mo? Kaya mo na ba, Rheianne?!"
I just let my tears fall. At the end of the day, wala pa rin akong magagawa. Hindi ko pa rin magagawa ang gusto ko. At hindi ko pa rin maaaring suwayin ang Papa ko.
"Who's that guy?" I asked blankly.
"His name is Justin, Justin de Dios."
What a present to welcome me.
BINABASA MO ANG
The Right One [SB19 Fan Fiction]
Fanfiction"Kahit kailan, hindi talaga tayo magiging handa sa sorpresa ng tadhana." After several years of staying overseas, Rheianne Delgado went home. Against her will, she followed the wishes of her family. She didn't expect that she was set to be tied to...