Chapter 9

41 7 0
                                    

Chapter 9 : Wife





HALOS hindi ako nakatulog kakaisip sa sinabi ni Paulo na dadalhin niya si Justin dito sa bahay niya. Kaya naman bangag akong nagpunta sa kusina nang magising ako matapos tumunog ang alarm ko.

Dire-diretso akong nagtungo sa lababo para sana magmumog nang mapahinto ako dahil nando'n pala si Paulo.

Bigla akong napatalikod at napatakbo pabalik sa kwarto ko nang maisip ko kung anong itsura ko.

Dali-dali kong tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin at parang gusto ko na lang maglaho dahil sa kahihiyan.

Buhaghag ang buhok ko na parang galing ako sa pakikipag-sabunutan. May muta rin sa magkabilang mata ko na parang dalawang gabing inipon. And worst, may panis na laway sa magkabilang pisngi ko!

What the hell?! Sa dami ng panahong p'wede akong maging absent-minded, bakit ngayon pa?

At bakit napaka-agang nagising ni Paulo ngayon?

Sa ilang araw ko kasing pag-i-stay dito, never kaming nagkita nang ganito kaaga.

Minsan, ako ang nauunang magising kaysa sa kaniya kaya hindi ako nagwo-worry na makita niya ako sa gano'ng ayos. Kapag siya naman ang nauunang magising, hinihintay ko muna siyang pumasok sa banyo para maligo para makapaghilamos ako sa lababo.

Ano nang gagawin ko? Pa'no kung ma-turn off siya sa 'kin?

Wait? Bakit ako nako-conscious? At bakit ako nagwo-worry na ma-turn off siya sa 'kin? Gosh, Rheianne, lumalala ka na!

I immediately fixed myself before going out again. Umakto ako na parang walang nangyari.

"Good morning," ngiti niya habang nagluluto ng sunnyside up egg.

"Morning," kunwaring cold kong sabi.

Hindi ko kasi alam kung paano ba ako dapat makitungo sa kaniya pagkatapos ng nangyari. Nakakahiya!

"Take a seat. I prepared breakfast for us," aniya pagkatapos ay naghain na siya.

Tahimik kong sinunod ang sinabi niya at naupo. Ni hindi ako makatingin sa kaniya kaya sa mga almusal na niluto niya na lang ako tumingin.

He fried some rice na galing sa tirang kanin namin kagabi. Nagluto rin siya ng itlog at tuyo. Nagpangiti ako nang malanghap ko ang amoy niyon nang mapadako doon ang tingin ko.

It's been ages since I last ate those for breakfast. Wala kasing gan'yan sa New York.

Naupo na si Paulo para kumain nang mapansing kong wala pang kape kaya tumayo ako.

"Ah, Rheianne, hindi ako magkakape. Hot choco na lang," saad niya kaya tumango ako.

It's been our routine so far kaya halos kabisado na namin ang galaw ng bawat isa. Nakakatuwa nga dahil nagbe-blend kami naturally at comfortable na kami sa isa't isa.

I must say na hindi mahirap pakisamahan si Paulo. Mabuti siyang tao at maaasahan. Alam kong maaari ko siyang pagkatiwalaan.

Kaya rin siguro hindi ako nagduda sa kaniya from the beginning.

Pagkatapos magtimpla ng kape ay bumalik na ako sa p'westo ko para kumain. I enjoyed the food with my bare hands. Ang sarap talaga 'pag ganito ang almusal.

"Siya nga pala, Rheianne, we'll have to meet Justin outside later. Hindi kasi siya komportableng pumupunta dito sa bahay ko. But he agreed to meet you," sabi ni Paulo habang naghuhugas ako ng pinagkainan naming dalawa.

Hindi ako naka-imik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Wala naman akong magagawa if that's what he wants. In fact, inaabala ko siya kaya dapat ako ang mag-adjust kung gusto ko siyang makausap.

The Right One [SB19 Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon