12-22
ALAGAD NI GAB
5:30 PM
Tripp:
GABBIE ANO 'YAN TSISMIS BA 'YAN
Gabrielle:
Mukha kang tsismis pota ka
Tripp:
ANO NA NGA
Maxim:
Hindi yata kumpleto araw ng tandang na 'to kapag walang tsismis eh
Niccolo:
True haha
Tripp:
Oo na pota parang 'di rin kayo curious ah
Skyler:
Pero 'di kami kasing uhaw mo.
Tripp:
OO NA AKO NA GAGALANG SA 'YO BABY
Skyler:
Tangina mo.
Tripp:
GABRIELLE ALLORA ANO NA
Gabrielle:
Wala lang, okay!
'Yong ka-text ko lang HAHAHAHA
Sungit kasi 🤪
Tripp:
Sino ka-text mo huh
Gabrielle:
'Yong na-wrong send ko HAHAHAHA
Akala ko ex n'ong friend ko 😂
Tripp:
Ah 'yong tinext mo n'ong naglasing kayo?
Gabrielle:
Alam mo naman pala tinatanong mo pa.
Teka nakuwento ko na ba sa 'yo 'yan? 🤨
Tripp:
HAHAHAHAHAHA
OO RETSAM
HAHHAHAHAH
Ge lang continue texting baka 'yan na pala soulmate mo 🤣
Gabrielle:
Eww sa inyo pa lang nauubos na oras ko tapos hahanap pa ako ng love life?
Maxim:
Si Tripp nga nagagawa pang lumandi eh
Tripp:
Time management lang 'yan retsam 🤪
Pero paano 'yong pogi mag-type, tingin nga?
Gabrielle:
Basta hindi mo kagaya mag-type
Hahahahhaha!
Niccolo:
Hahahaha!