2. Hell

29K 1.5K 340
                                    

Hindi ko nakikita ang dinaraanan ko. Tanging pagsunod lamang sa humihila sa akin ang kaya kong gawin.

Wala akong nakikita. . .

Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. . .

Bakit nila ito ginagawa sa akin?

They treated me like an angel. . .

I did everything for the sake of our village. . .

I grew up being loved by everyone. . .

Yet. . .

Huminto kami sa paglalakad. Tinanggal nila ang sako sa ulo ko at sumalubong sa akin ang sinag ng buwan.

Ilang beses pa akong kumurap bago makapag-adjust ang mga mata ko sa paligid.

Nasa gitna kami ng palayan. Nakapalibot sa akin ang mga pamilyar na mukha.

Ang mga tao sa bayan. . .

Sumagi sa isipan ko ang mga itsura nila kapag gumagawa ako ng himala. Malalawak ang mga ngiti nila at pinapaulanan nila ako ng papuri.

Pero ngayon. . .

I can't see any emotions on their faces. They're all expressionless.

"Pasensya ka na Erks, mabilis lang ito."

Iniiling ko ang ulo ko habang nagsisimula silang lumapit sa akin. Tinalian nila ang mga kamay at paa ko para hindi ako makagalaw.

Para akong hayop. . .

"P-Please! Parang awa niyo na! Gagawin ko ang lahat! T-Tinuring ko kayong pamilya!-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ng isa sa mga lalaki ang bibig ko. Napalunok ako nang malalim nang magtama ang mga mata namin.

Parang wala na siyang nakikita. . .

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang itinapat niya ang kamay niya sa kanang mata ko.

Fear crossed my face as I kept shaking my head.

Pilit akong nanlaban pero wala akong magawa dahil sa mga tali sa kamay at paa ko. Mayroon ding mga kalalakihang may pigil-pigil sa akin.

Parang awa niyo na. . .

Kung may mga Diyos at Diyosa, nasaan na sila?

Unti-unting lumapit ang kamay ng lalaking kaharap ko. Walang pag-aalinlangan niyang dinukot ang kanang mata ko.

Ramdam ko ang pagbaon nito sa laman ko. Kasabay ng malalakas na sigaw ko ay ang walang tigil na pagtulo ng mga dugo.

Dugo mula sa kanang mata ko na kinuha.

Parang bumabagal ang takbo ng oras. Nanlalabo ang paningin ko. Naging kulay ang pula ang paningin ko sa paligid.

Humahalo ang dugo at ang luha na tumutulo sa mukha ko.

Ang sakit. . .

Mama. . . ang sakit. . .

Parang nabingi na ako at hindi ko na marinig ang sarili kong pag-iyak.

Gusto ko na lang na matapos ito. . . ayoko na. . .

Gamit ang kaliwa kong mata ay nagagawa ko pang makita ang muling paglapit sa akin ng lalaking kaharap ko.

Akmang dudukutin niya na ang isa ko pang mata nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.

Before I knew it, the man was already lying down in front of me, dead.

Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari. Natauhan na lang ako nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Erks!"

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon