"Hoy! G-gago ka ah!" Napa 'tsk' ako dahil sa ingay ng lalaking 'to. Kanina pa naririndi ang nga tenga ko. Leche. Kalalaking tao ang dami daming sinasabi.
Inalis ko ang pagkakapatong ng maganda at mamahalin kong sapatos sa likod niya. Agad agad naman syang tumayo. Nagngitngit ang panget nyang mukha. Nagsilakihan ang mga ilong na may kaunting bahid ng dugo dahil sa galit.
"Bakit ka ba nangingialam ha?! Gusto mo ba talagang mamatay!?" Nagsitalsikan ang mga laway dahil sa lakas ng pagkakasigaw nya. Napalayo tuloy ako ng bahagya. Damn it. Baka nagkalaway ang sapatos ko.
Inis na tiningnan ko sya. "E panong hindi ako makikiaalam e, nambabastos ka ng babae!" Napangisi ang makapal nyang mga itim na labi. Hanggang sa humalakhak sya sa tawa.
Inangat nya ang naglalakihan nyang mga kamay papunta sa mataba nyang tiyan. "Bakit? HAHAHA! Jowa mo ba 'to? Sabi ko na tomboy ka e!" Napagting ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Ang makapal kong kilay ay unti-onting nagsalubong.
"Ang sayang mo naman miss, maganda ka sana e. Kaso tomboy ka pala pwe!" Napangiwi ako dahil hinawakan nya ang mukha ko na walang kahit na anong bahid ng kolorete.
"Ang lakas pa ng loob mo na manipa ng kapwa mo lalaki, brad." Tinapik nya ang mukha ko.
"Ah." Pag angal ko. Ngunit patuloy sya sa pagtapik. Palakas iyon ng palakas.
"Kaya kung pwede, palampasin nalang siguro natin to, brad?" Apat.
"Isipin mo nalang ng walang nangyari ngayon, ah" lima.
"Baka kasi mabugbog kita.. kita mo naman siguro katawan ko no?" Anim.
"Pero masakit yung sipa mo kanina ha." Pito. Isa nalang talaga. Tumba kang tabachoy ka.
"Masakit." That's it. Hinawakan ki ng mahigpit ang kamay nya. Nagulat sya sa inasta ko. Akmang aalisin nya na iyon pero hindi ko sya hinayaan. Pinulupot ko ito atsaka tinadyakan ang likod nya. Napahiga sya dahil don.
May iba iba ng tumitingin sa aming mga tao pero walang niisang sumubok na pigilan kami.
Napatingin ako sa babaeng nanginginig sa takot. Bakas sa mukha nya na nabibigla sya sa nangyayari. Hindi ko sya kaano ano. Nakita ko lang sya na binabastos ng gagong 'to.
"Alam mo kung anong ayaw ko?" Inapakan ko ang kamay nya. Napasigaw sya sa sakit. "Yong mga nanghahawak at nambabastos ng mga babae." Mas nilakasan ko ang pag apak.
"Aray! Ano ba masakit! Tngina mong tomboy ka! Umalis ka leche!"
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. "Alam mo pa ang isa sa mga ayaw ko?" Inalis ko ang sapatos ko sa kamay nya. Hinawakan nya iyon ng mahigpit dahil sa sakit.
Yumuko ako saka bumulong. "Ang hinahawakan ang mukha ko." Saka sya tinadyakan ng malakas sa mukha nya.
Kaya ayun tulog.
Tsk! Ang angas angas, hinimatay agad sa isang tadyak. Walang kwenta. Di man lang ako binigyan ng magandang laban. Inismiran ko sya.
Napatingin ako sa mga taong nakatingin sa'min. Walang niisang nagsalita pero nakakatitig lang sila sakin. Ngumiti ako ng matamis saka napahawak sa maikli kong buhok. "Bastos sya e."
Humarap ako sa babae kanina. Hindi ko mapigilan na ngumiti dahil sa inaasta nya. Tinitignan nya ako ng may paghanga sa mga mata. Tch, nadagdagan ulit ang angas points ko. Nice. Hinubad ko ang suot suot kong leather jacket. Mahal to pero mukhang kelangan nya.
"Suotin mo 'to. May mga gago talagang nagkakalat dito kaya mag ingat ka palagi miss." Pagkatapos kong sabihin' yon, maangas akong tumalikod. Wala, gusto ko lang. Ang cool ko tignan.
"Salamat!" Narinig ko pang sigaw nya. Kumaway lang ko sa kanya habang nakatalikod. Ang angas ko talaga shet.
"Hoy!" Kaso may panira ng momentum ko ngayon. Peste. Ang angas angas ko ng tignan. May paepal pa, peste talagaHindi nalang ako lumingon dahil bawas points yun. "Hoy!" Pagtawag ulit ng lalaki sa likod ko.
Hindi ko kilala ang boses pero wala akong pakialam. "Hoy naka black!"
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad na parang walang naririnig hanggang sa maramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko. "Hoy, ano ba----" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil inambahan ko sya ng suntok.
Patay. Hindi yung lalaking epal ang nasuntok ko. Kundi ang lalaking nasa likuran nya.
"Hala ka.." narinig ko pang aniya pero wala sa kanya ang tingin ko kundi sa gwaponh lalaki na nasa harapan ko.
Napalunok ako ng malakas dahil sa masama nyang tingin sakin. Medyo dumugo ang matangos nyang ilong dahil sa impact nung suntok ko.
Yung magandang pares ng mata nya ay tiningnan ako na parang binabasa ang buong pagkatao ko.
Ang makapal nyang kilay pero nasa ayos ay nagsalubong. Ang manipis at mamula mula nyang labi ay kumikibot dahil sa inis.
Shit. Nakakainggit naman ang kagwapuhan nitong lalaking 'to.
"What the fck?" Aniya sa malalim na boses. Pinunasan nya ang dugo na tumulo sa ilong nya. "did you just fcking punch me?" Napakurap kurap ako dahil sa pag iingles nya. Shit. Foreigner ata ang isang 'to.
Nawala ata ang lahat ng angas ko sa katawan. Oo, mas malaki ang nakalaban ko kanina, pero mukhang may ibubuga ang isang 'to. Bukod pa dun. Nakakapanghina ang mga titig nya.
Shet. Ano 'to?
"Why the fck did you punch me!?"
Nasapak ko ulit sya dahil sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ko.
Napatabingi pa ang ulo nya dahil sa impact. Nakagat ko ang labi ko bago ako tumalikod at tumakbo ng mabilis!
Malaki ang mundo. Hindi nya naman siguro kami magkikita ulit!"You'll fcking pay!"
YOU ARE READING
His Everlasting Desire ( The Tomboy Series #1)
Teen FictionThe arrogant boy and the tomboy