The Quadruplet's Father [COMPLETED]
"Anak ka ng... BUNTIS KA?!" Halos hindi ko na gustong idilat pa ang aking mga mata dahil sa napakalakas at nakakatakot na boses ni Papa na umabot 'ata sa kabilang bundok sa sobrang lakas ng boses niya. Mahihimigan mo pang galit siya at hindi makapaniwala sa nalaman. Pero kasi... Hindi ko naman sinasadya ang nangyari...