Ang Halimaw sa Dumpsite
May gumagala raw na manananggal sa Payatas Dumpsite tuwing sumasapit ang hating-gabi. Iilang mga residente na rin ang nagsilikas sa nakasusulasok na lugar na iyon, alang-alang sa kanilang kaligtasan dahil sa panganib na baka isunod silang lapain ng lumilipad na aswang. Napapabalita kasing gabi-gabi, may nabibiktima an...