KAHIT ILANG BESES KANG SUGATAN NG PLUMA, SUSULAT KA!
Naniniwala ako, Na sa kabila ng mga pagkadurog sa pait ng kahapong sinapit ng pusong handa naman sumugal sa mga pwedeng mangyari, darating ka pa rin sa punto na kahit gaano ka kahanda sa muling pagsuong sa baha, sa sakit, sa mga lapnos, sa mga bubog na susugat sa puso mo. Masasabi mo parin na hindi ka pa talaga handa...