Bloominbrandz
Lumaki akong sanay sa "ikaw bahala."
Sanay mag-isa. Sanay mag-survive.
Hanggang sa dumating yung punto na pinlano ko na kung kailan ako mawawala.
May date. May dahilan. Kumpleto.
Pero nagbago lahat nang makilala ko sila-dalawang taong parehong pagod na rin sa buhay, pero somehow... sila yung naging dahilan kung bakit pinili kong mag-stay.
Ang problema?
Habang ako natutong mabuhay dahil sa kanila...
sila naman yung unti-unting sumusuko.
At ngayon, may naka-set na kaming date.
December 31, 2028.
Hindi ko alam kung paano ko sila ililigtas-
o kung kaya ko pa ba.