sarahmaebuling
Naniniwala ba kayo sa kasabihang "The more you hate, the more you love?"
Kasi... kami ni Mark, doon nagsimula.
Ako nga pala si Sandra, 16 years old noon, palaaway, at certified Wattpad lover!
Nagsimula ang kwento ko dahil lang sa isang story na nabasa ko.
Isang araw, habang aliw na aliw akong nagbabasa ng isang Wattpad story, napansin ko 'yung comment section.
"O to the M to the G."
May nag-comment: "Ka-excite naman next chapter!"
And guess what?
Same name siya ng male character sa story... Mark.
Ang catch?
Yung Mark sa story... Babaero! Kaya ayun, napahagulgol ako sa tawa at di ko napigilang asarin siya.
Comment ko:
"Porket same kayong Mark, ma-eexcite ka na? Mga Mark nga naman!"
Reply niya:
"Hoy! Kakilig lang yung story eh."
Feel ko nainis siya HAHA!
Pero di pa ako tumigil...
Sagot ko ulit:
"Sus! Sa una lang kayo nagpapakilig kayong mga Mark eh."
Nakangiti ako habang tine-type 'yun. Aliw na aliw ako.
-🌀-
Pagdating sa bagong chapter, may linya ang isang character:
"Nako! Basta Mark, babaero yan."
Ayun lumabas ang kademonyohan ng akin kamay...gumalaw
Agad ko siyang minention:
"@Mark, grabe kayong mga Mark! Kaya dumadami babaero eh!"
Tapos ang reply niya, hindi ko kinaya:
"Uy, hindi namin kasalanan yan. Pag di ka talaga tumigil jan, ikikiss kita."
*GULP.
Napalunok ako ng sobrang lakas.
Langya 'tong lalakeng 'to, ang lakas ng loob!
After nun, hindi ko na siya inaasar. Natrauma? Char. HAHA.
Pero in fairness, tuloy pa rin siya sa pag-comment. Ako? Deadma ku