LAPISSSSSSSSS
Si Clyde Landeros ay namumuhay nang mag-isa-tahimik, malayo sa mundo, at tila hinahabol ng mga alaala na ayaw siyang lubayan. Sa isang maulang gabi, naghanda siya para sa isang "date" na sa tingin niya ay magbabago ng lahat. Sabik siyang naghintay sa café na minsang saksi sa pinakamaganda niyang sandali.
Ngunit lumipas ang mga oras... wala pa ring dumating.
Pag-uwi niya, may kung anong kumalabog sa loob niya-isang pamilyar na pakiramdam, isang larawan sa pader, at mga alaalang matagal niyang tinakasan. Dahan-dahang nagiging malabo ang linya sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, at mapipilitang harapin ni Clyde ang katotohanang pilit niyang iniiwasan.
Isang kwento tungkol sa pag-ibig, pagkalito, at sa sakit ng mga alaala na hindi matutong magpaalam.
"Paano ka magpapatuloy... kung ang puso mo'y naiwang nakakulong sa kahapon?"